Paolo Contis, sobrang saya at kinilig sa ipinangakong regalo sa kanya ng batikang mang-aawit na si Jose Mari Chan

Wala pa man ang pasko ay may natanggap nang isang napakagandang regalo si Kapuso TV host-actor Paolo Contis mula sa singer-songwriter at Christmas songs hit-maker Jose Mari Chan.

Credit: GMA Artist Center YouTube   

Labis ang tuwa ni Paolo nang mangako sa kanya ang singer-songwriter na bibigyan siya nito ng CDs na naglalaman ng Italian songs bilang regalo nito sa kanya at sa kanyang ina.

Sa isang episode ng online kamustahan show ni Paolo na “Just In” nitong September 16, ay naikuwento ni Paolo kay Jose na isang Italiano ang kanyang ama na pum@naw na dahil sa malubhang sak!t.

Credit: GMA Artist Center YouTube

Ani Paolo, “My father was Italian, sir. He had c@ncer. He had a good f!ght. He fought for 8 years.”

Nang marinig ito ni Jose, ibinahagi niya kay Paolo na lumaki siya sa Iloilo na nakikinig ng mga awiting Italyano. Kwento niya, “Growing up in Iloilo, I was exposed to beautiful Italian music especially Neapolitan songs.”

Malaking impluwensiya raw sa mga kanta ng singer-songwriter ang Italian music. Aniya, “You can tell in many of my compositions that it was influenced by Italian music.”

Credit: Paolo Contis Instagram

Dagdag ni Jose, “One of my songs for example, Refrain. If you listen to it you can tell that there was a lot of Italian influence.”

Ikwenento rin ni Paolo na hindi siya gaanong pamilyar sa Italian culture dahil hindi siya naturuan ng ama. Pahayag ni Paolo, “The problem with my dad is, my dad went to the Philippines and nag-aral siya ng Tagalog. Ang teacher niya ‘yung mom ko. Hindi niya ako masyadong naturuan with Italian culture, because when I was growing up, super Filipino na ‘yung dad ko.”

Credit: Paolo Contis Instagram

Isang magandang regalo naman ang naisip na ibigay ni Jose kay Paolo para kahit wala na raw ang ama nito ay may isang bagay pa rin na nakapagpapaalala sa kanila sa pinanggalingan ng ama.

Credit: GMA Artist Center YouTube

Saad ni Jose, “Paolo, this is what I am gonna do for you and your mom. I am going to put together on maybe two or three CDs my favorite Italian canzone, Italian songs. I will give that to you and I want you to invite your mom, while you’re having dinner while you’re together, play all those songs in memory of your late father.”

Credit: Paolo Contis Instagram

Hindi naman napigilan ni Paolo na kiligin sa pangako ni Jose.

Ani Paolo, “She would love it! Kinikilig ako! Thank you, sir!”

Credit: Jose Mari Chan Facebook

Kilala si Jose Mari Chan ng lahat dahil sa mga patok nitong Christmas song na magpahanggang ngayon ay tinatangkilik at kinakanta pa rin ng mga Pinoy. Kabilang dito ang mga kanta niyang “Christams In Our Hearts” at “A Perfect Christmas”.

The post Paolo Contis, sobrang saya at kinilig sa ipinangakong regalo sa kanya ng batikang mang-aawit na si Jose Mari Chan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments