Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae, nagpakitang gilas sa kanyang talento sa pagkanta; mga netizen, namangha sa dalaga

Bukod sa taglay na ganda at karisma may ipagmamalaki pa pala ang anak ni actress-dancer Ina Raymundo na si Erika Rae, ito ay ang kanyang galing sa pagkanta. Kaya naman proud na proud si Ina sa 18 taong gulang na anak.

Credit: @erikarae.p Instagram

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Ina sa Instagram ang video ni Erika Rae na kinakanta ang sikat na kanta ni American singer Rihanna na “Love On The Brain”.

Credit: @erikarae.p Instagram

Pinahanga ni Erika Rae ang lahat nang bumirit siya nang napakataas. Kahit mataas ang nota ay natamaan ito ni Erika Rae. Maririnig din sa video ang napakakinis at napakaganda nitong boses. Maliban dito ay kapansin-pansin din na mayroong kakaibang istilo sa pagkanta si Erika Rae.

Credit: @erikarae.p Instagram

Ayon sa caption ng post ni Ina, hindi raw pinaghandaan ni Erika Rae ang singing performance niya.

Credit: @erikarae.p Instagram

Saad ni Ina sa caption, “Love On The Brain @erikarae.p and I were at @cornerstone yesterday to say hello to the big bosses.😊 She was asked to sing an impromptu song. Erika took a deep breath, said “ok”, opened her laptop, picked a song then started singing this without warming up her voice.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

Dagdag ni Ina, “It was mesmerizing! We can’t wait for you to shine brighter ate Erika.✨✨✨ It’s about time…💜💜

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Hindi lang si Ina ang bilib na bilib kay Erika Rae pati na rin ang netizens na nakapanood ng naturang video. Komento ng netizens:

“Sooo beautiful and talented @erikarae.p Were soo proud of you”

“Waaaoooouuuuuuu what a beauty and also beautiful voice”

Credit: @inaraymundo95 Instagram

“Beautiful…Super talented..”

“She’s soooo goood! Shiftings are clean and the vibratos are moooore!”

“Goosebumps here…so pretty”

Credit: @erikarae.p Instagram

Samantala, September 3 nang inanunsyo ni Ina na pumirma ng kontrata si Erika Rae sa Cornerstone Entertainment Inc. Ang Cornerstone ay isang talent management at music production company.

Sa isang Instagram post naman ay winelcome ng Cornerstone Entertainment Inc. si Erika Rae. Caption ng post, “A new face is coming your way. She is ready to conquer greater heights and we are all excited to see her flourish. Cornerstone Entertainment welcomes @erikarae.p! Your CS family is so happy for you.”

Credit: @erikarae.p Instagram

Si Erika Rae Raymundo Poturnak ay ang panganay na anak ni Ina sa asawang si Brian Poturnak. Taong 2019 nang unang umugong ang pangalan ni Erika Rae pagkatapos kumalat sa social media ang kanyang pre-debut pictures at video kung saan litaw na litaw ang napakagandang katawan nito.

The post Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae, nagpakitang gilas sa kanyang talento sa pagkanta; mga netizen, namangha sa dalaga appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments