Lara Quigaman, isinilang na ang kanilang napakagwapong anak ni Marco Alcaraz na pinangalanan nilang Moses

Isang malusog at napakagwapong lalaki ang new addition sa pamilyang Alcaraz matapos isilang ni beauty queen-actress Lara Quigaman ang ikatlong anak nila ng aktor na si Marco Alcaraz nitong Huwebes, September 17.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram    

Sa isang Instagram post ay makikita si Lara na yakap ang kanyang napaka-cute na anak na pinangalanan nilang Moses.

Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

Sa caption ay umaapaw ang pagpapasalamat ni Lara sa Panginoon dahil sa panibagong biyaya na ibinigay nito sa kanilang pamilya.

Ani Lara, “Thank You Jesus for another undeserved gift…my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God!”

Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

Dagdag pa ni Lara, “Meet our @mosesalcaraz born September 17, 2020 at 10:50 am.”

Sa isa pang Instagram post ay ibinahagi ni Lara ang closed-up picture ni Baby Moses. Aniya sa caption ng IG post, “My handsome little Momo.”

Credit: Lara Quigaman Alcaraz Instagram

Sa Instagram naman ni Marco ay nagbahagi rin ito ng larawan ni Lara na natutulog habang mahigpit na yakap si Baby Moses.

Caption ng IG post, “Good Morning to my brave wife @laraquigaman and baby @mosesalcaraz Mahal na mahal ko kayong 2. Im sure excited na ang mga boys makita ang new teamate nila.”

Credit: Marco Alcaraz Instagram

Nagpasalamat din ang aktor sa mga nagdasal para sa ligtas na panganganak ni Lara.
Aniya, “Thank you sa lahat ng mga dasal nyo safe and healthy ang mag-ina ko. Thank you Lord Jesus for another blessing.”

Samantala, bumuhos naman ang pagbati sa pamilyang Alcaraz, lalo na mula sa mga kasamahan nila sa showbiz.

Credit: Marco Alcaraz Instagram

Komento ng beteranang aktres na si Coney Reyes, “Congratulations for the latest addition to your family @marcoalcaraz @laraquigaman Another precious blessing from our Lord! May GOd guide you always in bringing up your children in His ways! God bless your beautiful, growing family.”

Ani Arlene Muhlach, “Lets bring out the c!gars!!! Congratulations!!”

Sabi naman ng reporter-host na si Luane Dy-Gonzalez, “Congratulations”

Credit: Marco Alcaraz Instagram

Maraming netizen din ang nagpaabot ng kanilang pagbati kina Lara at Marco.
Komento nila:

“Congratulations on your new ray of sunshine!!!”

“congrats!!! 3 boys”

Credit: Marco Alcaraz Instagram

“Congratulations God bless you all”

Abril ngayong taon nang inanunsyo nina Lara at Marco sa kanilang vlog ang pagbubuntis ni Lara sa ikatlong anak.

The post Lara Quigaman, isinilang na ang kanilang napakagwapong anak ni Marco Alcaraz na pinangalanan nilang Moses appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments