Nagbunga ang pagiging kuripot ng 17-year-old na si Andrea Brillantes at ngayon ay patapos na ang bahay na ipinapatayo para sa pamilya

Bagama’t teenager pa lamang, hindi naging hadlang para sa young star na si Andrea Brillantes ang mangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para na rin sa kanyang pamilya.

Credit: Andrea Brillantes Instagram     

Ang makapagpatayo ng sariling bahay ang isa sa mga pinangarap lang noon ni Andrea para sa kanyang pamilya. Kaya naman nang mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho at makatulong sa pamilya, ay kaniyang taos-pusong tinanggap sa murang edad pa lamang.

“Nagsimula ako mag-artista, nagsimula po ako maging breadwinner ng 10, so pa-rent-rent pa lang kami. ‘Tapos ilang years ko na rin siya pinag-ipunan. Never ko din naisip na ganitong kaaga ko rin siya makukuha.”

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Isa sa mga pangarap kaya ako nag-artista kasi gusto ko magkaroon na ka mi ng sariling bahay. Kaya nagpapasalamat ako na finally, ginagawa na nga­yon, hopefully matapos na siya. ‘Yon ang pinaka-blessing sa akin ngayon,”

Ibinahagi ni Andrea sa isa sa kanyang mga naging panayam, pinangarap niya umano tumira sa isang subdivision kasama ang kaniyang buong pamilya.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Kaya naman hindi maipaliwanag ni Andrea ang labis na kasiyahan, ng sa wakas ay naipatayo na rin niya ang bahay na pinapangarap lang niyang mangyari noon.

“Finally, magkakaroon na kami ng sariling bahay namin, bahay ko, for my family”

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Sa murang edad pa lamang, nakitaan na si Andrea ng angking kahusayan sa pag-arte at isa na nga sa mga naging successful teleserye nya, na talagang inabangan ng publiko ay ang kanyang mahusay na pagganap sa “Kadenang Ginto” bilang si Marga.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Sa kabila man ng mga natamong karangalan, ang pagmamahal ni Andrea para sa kaniyang pamilya ang siyang nangingibabaw at kailanman hindi makakapigil sa kanya ang mangarap ng malaki kasama sila.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

“Basta ang importante magkasama kaming lahat at magustuhan nila at may aircon na yung bahay”

Ngayon nga ay nalalapit na matapos ang dream house ni Andrea Brillantes. Sa Instagram ay ibinahagi ni Andrea ang mga larawan kung saan kitang nabuo na ang layout ng pintuan ng main door ng bahay. Maging sa loob ay makikita na ang mga partition ng mga kwarto. Pansin din ang tapos nang gawin na mordern style staircase ng bahay.

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Ipinagmalaki ni Andrea sa isang panayam na ginawa sa kanya ni Bianca Gonzales na may pagka-kuripot siya at hindi siya bumibili ng mga mamahaling gamit katulad ng designer items.

“Hindi ako bumibili ng mga designer. Hanggang ngayon di pa rin ako bumibili ng mga designer shoes and bags. Puro mga bigay kasi may pagkakuripot ako.”

Credit: Andrea Brillantes Instagram

Dahhil sa pagiging masinop ni Andrea sa pera ay naipagpatayo na niya ng bahay ang sarili at kanyang pamilya sa kanyang murang edad.

The post Nagbunga ang pagiging kuripot ng 17-year-old na si Andrea Brillantes at ngayon ay patapos na ang bahay na ipinapatayo para sa pamilya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments