Ito na ngayon ang child star na si Xyriel Manabat ngayon at maraming netizens ang nagulat sa kanyang naging transformation

Naging matunog ngayon sa social media ang isa sa mga naging sikat na child star noon na si Xyriel Anne Bustamante o mas kinilala bilang si Xyriel Manabat.

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Xyriel, matapos maging bahagi ito ng Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie idol noong taong 2009 na kung saan tinanghal siya bilang 3rd placer.

Credit: kowalerts Instagram

Sa pagsisimula ng kaniyang karera, kaliwa`t kanan naman ang kaniyang mga natanggap na karangalan at oportunidad, na siyang naging daan upang patuloy na hangaan si Xyriel sa kanyang husay sa pag-arte mula sa mga teleserye na kaniyang pinagbidahan, tulad na lamang ng “Agua Bendita”, “Momay” at “100 Days To Heaven”

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Ang isa sa pinakahuling teleserye na kaniyang kinabilangan at tinangkilik ng publiko ang “Wildflower” na kung saan ay gumanap siya bilang batang Lily Cruz.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Ngayon na siya ay sweet 16 na, ginulat naman ni Xyriel ang publiko mula sa kaniyang mga lovely photos na siyang makikita ang naging transformation nito mula sa isang charming child star lang noon, na ngayon ay isa nang magandang dalagita.

Sa kabila ng kaniyang mga naging teleserye, tinutukan naman ni Xyriel ang kaniyang pag-aaral at
matapos nga ng ilang taon ay natapos ng child star ang kaniyang high school sa Golden Faith Academy.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Gumawa din kamakailan ng ingay si Xyriel sa mundo ng social media nang magulat ang mga netizen dahil kitang-kita sa mga post nitong letrato ang pagdadalaga niya. Marami ang humanga sa angking ganda ni Xyriel.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Sa kabila man ng kasalukuyang paghahanda ni Xyriel para sa panibagong yugto na kaniyang kakaharapin sa kolehiyo, marami pa ding netizen ang patuloy na umaasa na balang araw ay muli nilang masilayan si Xyriel sa telebisyon.

“Dalaga na si Ana Manalastas, nakakamiss yung mga teleserye mo.”

“Galing ng batang to. di ko makakalimutan 100 days to heaven. ang galing mo. balik kana sa showbiz. you deserved it. ☺

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

“Congratulations sa napakabibong bata dati na kinagigiliwan naming panoorin ngayon dalaga na 😍👏👏👏👏 balik acting kana ulit soon 🙏😊

“Congrats madam anna manalastas ang galing galing mong umarte lalu na sa 100 days to heaven sana magkaroon kapa ng teleserye kc sobrang galing mong artista”

The post Ito na ngayon ang child star na si Xyriel Manabat ngayon at maraming netizens ang nagulat sa kanyang naging transformation appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments