Angelica Panganiban, nagbigay ng mensahe para sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino na isa nang ganap na ama

Kilala si Kapamilya actress Angelica Panganiban bilang isang hugot queen at love guru ng karamihan. Sa dami kasi ng heartbreak na pinagdaanan ng aktres ay kwalipikado itong magbigay ng mga payo at aral sa mga kagaya niyang nakaranas din ng kasawian sa pag-ibig. Palagi kasing may aral na natututunan si Angelica mula sa mga dating relasyon na bukas naman siyang ibahagi sa ibang tao.

Credit: Angelica Panganiban Instagram  

Isa sa mga naging relasyon ni Angelica na nag-iwan ng maraming aral sa kanya ay ang relasyon niya sa aktor na si Carlo Aquino na umabot din ng anim na taon.

Credit: Carlo Aquino Instagram

Sa kasagsagan ng kanilang hiwalayan ay hindi itinago ni Angelica ang nararamdaman niyang sakit mula sa nagtapos nilang relasyon ni Carlo. Saksi ang online world kung paano inihayag ni Angelica ang sakit at aral na natutunan niya mula sa paghihiwalay nila ni Carlo.

At ngayon nga na isang ganap na ama na si Carlo ay nagbigay ng maiksing reaksyon at mensahe si Angelica para sa dating kasintahan.

Credit: Trina Candaza Instagram

Ani Angelica sa isang panayam sa kanya, “I’m sure masayang-masaya siya…masayang-masaya sila.”

Dagdag niya, “And ‘yun naman dapat ‘yon, ‘di ba? Importante ‘yung happiness ng mga tao. Good! Congratulations.”

September 13 nang ibahagi ni Carlo sa Instagram ang larawan ng anak nila ni Trina Candaza na si Enola Mithi.

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Samantala, ikwenento naman ni Angelica sa media conference na ginanap online para sa kanyang bagong online show na “Ask Angelica” na masayang-masaya siya sa kanyang buhay ngayon.

Aniya, “Of course oo naman. [Masaya ako] Sa lahat ng aspeto.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Ibinahagi rin ni Angelica sa online show ni Toni Gonzaga na “I Feel U” ang isa sa mga realisasyon niya ngayong naka-qu@rantine.

Kwento ni Angelica, “Natutuwa naman ako kasi parang natutong akong mag-control. Tsaka mapapansin mo, kaya mo naman pa lang mag-isa. Okay ka naman pala, ikaw ‘yung magluluto for yourself. Nakaka-survive naman. So parang nakikita mo nga rin na, ‘ay okay na ako, strong na ako’. May mga nami-miss ka lang kapag nagk-kdrama pero survivor Philippines pa naman po ako.”

Credit: Angelica Panganiban Instagram

Nagsimula si Angelica sa showbiz bilang isang child star. Sa paglipas ng panahon ay napatunayan ni Angelica ang kanyang galing sa pag-arte. Ilan sa mga proyekto ni Angelica na pumatok sa Pinoy ay That Thing Called Tadhana (2014), Exes Baggage (2018) at Unbreakable (2019).

The post Angelica Panganiban, nagbigay ng mensahe para sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino na isa nang ganap na ama appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments