Glaiza de Castro, nasurpresa at natuwa sa inihandang anniversary gift ng kanyang Irish boyfriend na kasalukuyang nasa ibang bansa

Pinatunayan ng Irish boyfriend ni Kapuso actress-singer Glaiza de Castro na si David Rainey na hindi hadlang ang distansya para maiparamdam pa rin natin sa mga mahal natin sa buhay ang ating pagmamahal sa kanila sa panahon ng p@ndemya.

Credit: Glaiza de Castro Instagram          

Sa pagdiriwang kasi nila ng kanilang anniversary bilang magkasintahan ay isang sorpresa ang inihanda ni David para sa aktres.

Kahit nasa Ireland si David ay todo effort pa rin ito para sorpresahin ang kanyang nobya.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Kasabwat ang ilang kaibigan ni Glaiza, ay isang bouquet of flowers at isang life-size na unan na may mukha niya ang inihanda ni David.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Glaiza ang video nang naganap na sorpresa.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sa video ay makikita si Glaiza na kararating lang sa isang cottage. Maririnig sa video ang boses ng kaibigan ni Glaiza, “Good morning. May bisita kami.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Nang makita ang sorpresa ni David sa kanya ay hindi maitago ni Glaiza ang nararamdamang kasiyahan.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sobrang lawak ng ngiti ni Glaiza habang hindi pa rin makapaniwala na may inihandang sorpresa si David sa kanya.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Aniya, “Oh, my God! Seryoso ba ‘yan?”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Sagot ng kaibigan ni Glaiza, “Oo, kanina pa ‘yan.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Samantala, sa caption ng IG post ay ikwenento ni Glaiza ang mga bagay na ginagawa niya para maibsan ang nararanasang separation @nxiety.

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Nakakaramdam ang isang tao ng separation @nxiety kapag nahiwalay siya mula sa bahay at / o mula sa mga tao kung saan ay mayroon siyang emotional attachment.

Ani Glaiza sa caption, “Since I have been dealing with separation @nxiety for being apart for a few months now, I chose to do things that make me happy like waking up in the morning to see the sunrise and learn surfing, exercising and cooking amongst other things.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Nagpapasalamat naman si Glaiza dahil mayroon siyang nobyo na gagawin ang lahat para maiparamdam lang sa kanya na hindi siya nag-iisa kahit ilang milya ang layo nila sa isa’t isa.

Saad ni Glaiza, “But this morning, someone surprised me and I’m so grateful ‘cause he constantly find ways to be there for me. Though not physically for now.”

Dagdag niya, “I know we’ll be together again but hopefully, soon. Lol. Maraming salamat at mahal kita 🧀 Special thanks to our friends who planned this perfectly and woke up extra early to set this up. Sobrang saya lang.”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Samantala, kinilig din ang ilang kaibigan sa showbiz ni Glaiza sa sorpresa ni David. Kabilang dito ang matalik na kaibigan ni Glaiza na si Kapamilya actress Angelica Panganiban.

Ani Angelica, “Apakasarap naman miss you both! Hipbamp!”

Credit: Glaiza de Castro Instagram

Ayon naman kay Sheena Halili, “Boto na talaga ako sa kanya.”

Komento naman ng aktres na si Chynna Ortaleza-Cipriano, “Hahahahahah!!! Ano ba yaaaaan!!!”

The post Glaiza de Castro, nasurpresa at natuwa sa inihandang anniversary gift ng kanyang Irish boyfriend na kasalukuyang nasa ibang bansa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments