Dimples Romana, ipinasilip ang nabili nilang napakagandang condominium sa Makati na produkto ng “Kadenang Ginto”

Nagsimula sa isang pangarap, pinagtrabahuhan, at ngayo’y nabili na nga ng aktres na si Dimples Romana ang ini-imagine lang niya noong condominium sa Makati.

Credit: Dimples Romana Official YouTube            

Sa kanyang pinakabagong vlog ay nagbigay ng ‘condo-tour’ si Dimples. Hindi pa man napapa-renovate ni Dimples ang bagong biling condo dahil bawal pa umano ay paunti-unti nilalagyan na niya ito ng mga gamit.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Isa-isa namang ibinahagi ni Dimples ang plano niya para sa desenyo ng interior ng bahay. White, Beige, Bone Color ang napiling color motif ni Dimple para sa bagong biling condo.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Una niyang ibinahagi ang kanyang plano para sa kanyang kitchen area. Wala pa itong kitchen stove at refrigerator ngunit excited na si Dimples na magluto rito.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Ikwenento rin ni Dimples na madalas nagsisimula sa simpleng imagination lang nilang mag-asawa ang pagbili nila ng mga gamit o property.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sunod na ipinakita ni Dimples ay ang dining area. Ito ang ‘favorite part’ niya sa nabiling condo. Mayroon kasi itong magandang view ng Makati. Plano rin niyang nakaharap sa bintana ang sofa ng kanilang living room para kita pa rin ang napakagandang view ng lungsod.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Nagkuwento rin si Dimples na noong tiningnan nila ang condo ay hindi talaga niya plano itong bilhin. Nakahiligan na raw nilang mag-asawa na kumuha ng inspirasyon mula sa mga tinitingnan nilang property. Gayunpaman, nang unang makita ni Dimples ang property ay nasabi nitong gusto niyang magtrabaho para mabili lang ang condo.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa ABS-CBN at sa Dreamscape dahil naging parte siya ng “Kadenang Ginto”. Dahil kasi rito kaya nabili niya ang condo.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

“Noong binili namin ‘to, it was during “Kadenang Ginto”. Kaya napakalaki talaga ng utang na loob ko sa Dreamscape and my ABS-CBN family. Itong property na ‘to nabili because of “Dani Girl”.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Para rin kay Dimples, mahalaga na hindi napupunta sa luho ang mga perang pinagsisikapan niya kaya’t sinisigurado niyang nakalaan ang pera na kinikita niya mula sa kanyang mga proyekto para sa isang ‘bigger goal’.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Inamin ni Dimples na, “Never kong inakala na makakabili ako ng property dito pero dahil sa pagsisikap, pagtitiyaga, pagdadasal at pagtitiwala ng mga tao sa talento ko naging posible ‘yon. Kaya sobrang grateful ko talaga.”

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sa ikalawang palapag, makikita ang master’s bedroom. Maraming plano si Dimples para sa kanilang kwarto. Kagaya na lamang ng pagpapalit niya sa closet cabinet ng kwarto. Nais kasi ni Dimples na ‘native’ design at locally sourced ito.

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Sa huli, isang mensahe ang iniwan ni Dimples. Aniya, “Napaka-importante ng imagination natin. Kapag nangarap tayo, since libre naman, mangarap na kayo ng malaki at mataas.”

Credit: Dimples Romana Official YouTube

Samantala, kilala sina Dimples at ang asawa nitong si Boyet Ahmee na mahilig bumili ng mga property. Isa lang ang bagong biling condo sa marami pa nilang property sa bansa.

The post Dimples Romana, ipinasilip ang nabili nilang napakagandang condominium sa Makati na produkto ng “Kadenang Ginto” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments