Ivana Alawi, inipon ang mga kinikita sa pagvlog para maipatayo ang pangarap na bahay ng kanyang mama

Kakaiba ang sayang nararamdaman ngayon ni Ivana Alawi dahil sa wakas ay maipapatayo na niya ang “dream house” ng kanyang inang si Fatima Marbella.

Credit: @mama_alawi Instagram

Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinasilip na ni Ivana ang dream house ng ina na pinaglalaanan niya ng lahat ng kanyang kinikita sa YouTube.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ipinaliwanag ni Ivana sa vlog na modern at Italian inspired ang interior design ng bahay.

Aniya, “So, modern siya but ‘yung inside niya is parang Italian na gold. Gusto kasi ni Mama ng gold kaya puro gold ‘yung design niya.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Dagdag ni Ivana, “Kami ni Mama ‘yung nag-design. Gusto ko maraming salamin na bahay. ‘Tapos si Mama sabi niya gusto niya gold tsaka high ceiling.”

Gusto umano ni Ivana na dalawang palapag lang ang bahay ngunit kagustuhan ng kanyang ina na gawin itong tatlong palapag. Para naman hindi na mahirapan ang kanyang Mama at bunsong kapatid na si Mona ay plano ni Ivana na palagyan ng elevator ang bahay.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ani Ivana, “So, siya ‘yong namili nitong lupa na ‘to, ‘tapos we’re gonna start building her dream house. ‘Yung three floors siya ang namili kasi gusto ko sana two floors kasi nga matanda na si Mama. So, baka magpalagay din kami ng elevator kasi nga si Mama.”

Ikinuwento rin ni Ivana na may napili na silang kumpanyang gagawa ng bahay.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Si Mama kasi sabi niya, ‘kung gagawa ka ng bahay ha, gusto ko si Miss Ching, si UID’. Bakit Ma?, ‘Magaling siya mag-design, ‘tapos high ceiling. ‘Tapos ‘yung quality hindi niya tinitipid, so ‘yun ang importante. ‘Yung quality ng gawa’,” kwento ni Ivana sa vlog.

Sa mga hindi nakakaalam, ang UID o United International Décor, ay isang grupo ng kumpanyang naka-rehistro sa Bahrain.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, kabilang si Ivana sa mga pinakatanyag na vlogger ngayon sa Pilipinas.

August 2019 nang una siyang magbahagi ng video sa kanyang YouTube channel. Sa kasalukuyan, ay umabot na sa mahigit 9 million ang kanyang subscribers sa YouTube.

Sa kabila naman ng pagkakaroon ng milyon-milyong views ng kanyang mga vlog ay nilinaw ni Ivana na five hanggang six digits lang ang kinikita niya sa YouTube.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Lahat naman ng kanyang kinikita sa YouTube ay inipon niya para mapagawa ang dream house ng ina.
Sa katunayan, matagal nang pinag-ipunan ni Ivana ang ipapatayong bahay para sa ina.

Sa kanyang vlog noong April 21 ay naikuwento ni Ivana na iniipon niya ang lahat ng perang kinikita sa pagba-vlog para sa maipatayo ang dream house ng ina.

Paglalahad ni Ivana sa naturang vlog, “Hindi ko pa siya nagagastos kahit piso kasi nga pambili ko yun sa bahay ni mama.”

The post Ivana Alawi, inipon ang mga kinikita sa pagvlog para maipatayo ang pangarap na bahay ng kanyang mama appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments