Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago, magkasintahan na!

‘Love is in the air’ para kina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria matapos ihayag ng talent manager na si Noel Ferrer sa Instagram nitong September 30, ang real-score sa pagitan ng dalawa.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram      

Bago magtapos ang buwan ng September, ay isang pasabog ang ginawa ni Noel sa Instagram matapos nitong ihayag na magkasintahan sina Raymart at Jodi.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Noel ang isang larawan kung saan makikita ang mahigpit na pagyayakapan nina Raymart at Jodi.

Credit: @raymartsantiago Instagram

Ani Noel sa caption ng kanyang IG post, “WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!!!”

 

View this post on Instagram

 

WE ARE HAPPY THAT YOU ARE HAPPY!!! @raymartsantiago @jodistamaria GOD BLESS YOU BOTH!!! #PepAlerts #PepTroika #Barks✔ ❤🙏 #FriendsFamilyForever

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

Sa comment section ng naturang post ay bumaha ang congratulatory messages para sa celebrity couple.

Kinilig ang netizens lalo na’t para sa kanila ay bagay na bagay umano ang dalawa. Hiling ng netizens na sana ‘road to forever’ na ang relasyon nina Raymart Jodi. Komento ng netizens:

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

“Wow so happy for the both of you. Both very affectionate, both God centered”

“Compatible. Both are compassionate and family oriented. Goodluck”

“What a pleasant surprise!”

“They look good together. Raymart, take care of Jodi (she’s precious)”

Credit: @raymartsantiago Instagram

“congrats! sana magka show din sila together. nakakakilig for sure!”

“Wow sana this tym forever na raymart is a good man Happiness for Joji”

Si Raymart ay legal pa rin na kasal sa aktres na si Claudine Barretto ngunit simula 2013 ay hiwalay na ang dalawa. Kahit hindi pa pinal ang kanilang annulment case ay nagkasundo naman ang dalawa na maging mabuting magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak na sina Sabina at Santino.

Credit: @raymartsantiago Instagram

Tulad ng isang ama, ay hindi naman kinalimutan ni Raymart ang responsibilidad niya sa mga anak at patuloy pa rin itong naglalaan ng oras para makasama ang dalawa. Noong nakaraang taon, ay inanunsyo ni Raymart na mapapanood siya sa Kapamilya action series na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Credit: @raymartsantiago Instagram

Kagaya ni Raymart ay dati na ring ikinasal si Jodi. Si Jodi ay dating kasal kay Pampi Lacson, anak ni Senator Panfilo Lacson. Nagbunga ang pagsasama nina Jodi at Pampi ng isang anak. Ngayon, ay 14 taong gulang at binata na si Thirdy Lacson.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Masaya naman si Jodi dahil kahit may bagong partner na si Pampi sa katauhan ni Iwa Moto ay maayos pa rin ang relasyon ng dalawa. Abala ngayon si Jodi sa kanyang drama series sa Kapamilya network na “Ang Sa Iyo Ay Akin”.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

The post Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago, magkasintahan na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments