Alden Richards, pumayag na pautangin si Valeen Montenegro ng kalahating milyong piso

Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang prank na ginawa ni Kapuso actress-vlogger Valeen Montenegro sa kaibigan niyang si Alden Richards.

Credit: Alden Richards Instagram        

Sa vlog, ay nagpanggap si Valeen na uutang siya ng P500,000 kay Alden. Kasabwat ni Valeen sa pagpapa-prank kay Alden sina celebrity couple Lovely Abella at Benjie Manalo.

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Sa unang bahagi ng vlog, hindi maitago ni Valeen ang kanyang kaba dahil ito ang unang beses na magpa-prank siya ng isang tao.

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Pagsisimula ni Valeen, “Den, sorry ha tumawag ako. Gusto ko lang mag-congrats dun sa mga kaganapan mo. Sobrang nakakatuwa. Ang galing mo atleast ngayon na may p@ndemic successful ka.”

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Ikwenento muna ni Valeen na dahil sa p@ndemya kaya siya gipit sa pera. Ani Valeen, “I’ll cut to the cr@p. Kasi ‘di ba like from the start of the year nagkaroon ako ng problems with my dad and everything all the hospitalization. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nakakabayad. Wala tayong work ngayon so nahirapan din ako with everything like rent, bills.”

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Sa parteng ito ng vlog, ay walang paligoy-ligoy na sinabi ni Valeen ang totoong pakay niya kaya siya tumawag.

Dagdag niya, “Ok lang ba na manghiram ako ng money sa’yo? Pero babayaran kita promise after everything is over. Baka next year.”

Credit: Alden Richards Instagram

Pagkatapos sabihin ang kanyang palusot ay sinabi na ni Valeen ang halaga ng perang kanyang uutangin.

Credit: Valeentawak Vlogs YouTube

Noong una ay 1 milyon ang sinabi ni Valeen na labis na ikinabigla ni Alden.

Ibababa na sana ni Alden ang tawag ngunit binabaan ni Valeen ang halaga ng perang uutangin sa P500,000.

Tugon ni Alden, “Tingnan ko lang ‘yung mga papasok sa akin this month.”

Nang kinumpirma ni Alden na papautangin niya si Valeen, hindi na nakayanan ng actress-vlogger na lokohin pa ito.

Credit: Valeen Montenegro Instagram

Sa vlog, makikita sa ekspresyon ni Valeen na hindi siya makapaniwala na pumayag si Alden na magpautang ng P500K.

Ani Valeen, “Oh my gosh. Sure ka Alden?”

Sagot ni Alden, “Oo naman. Huwag mo nalang sabihin sa iba. Tayo nalang nakakaalam.”

Dito na inamin ni Valeen na pina-prank niya lang si Alden.

Credit: Alden Richards Instagram

“Sobrang bait mo Alden. I’m so sorry. IT’S A PRANK!,” saad ni Valeen.

Sa huli, sinabi ni Valeen na sobra ang paghanga at respeto niya kay Alden.

Pahayag ni Valeen, “Naku! Kaya naman talaga ang Alden Richards sobrang blessed! Thank you, Alden. Alam n’yo guys, hindi ko kasi tinatawagan ‘to si Alden. Grabe totoong kaibigan.”

The post Alden Richards, pumayag na pautangin si Valeen Montenegro ng kalahating milyong piso appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments