Erich Gonzales at Enchong Dee, pinakilig ang mga netizen nang subukang maging mag-jowa sa loob ng isang araw

Pinakilig ng tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee ang netiizens sa ginawa nilang “24-Hour Mag-jowa Challenge” na mapapanood sa YouTube channel nilang “ENRICH ORIGINALS”.

Credit: Enrich Originals YouTube      

Sa kanilang pinakabagong vlog, pinagbigyan ng EnRich ang most-requested video ng kanilang subscribers.

Isang buong araw na nagpanggap sina Erich at Enchong bilang magkasintahan. Mukhang hindi sapat ang isang araw para sa dalawa. Marami kasi silang naisip na gawin bilang magkasintahan. Kabilang dito ang pagluluto, kumain ng magkasama, maglaro ng video games, mag-toothbrush ng sabay at pumunta sa trabaho ng magkasama.

Credit: Enrich Originals YouTube

Nagkaroon din sila ng heart-to-heart talk kung saan isa-isa nilang ibinahagi ang mga bagay na nagustuhan nila sa isa’t isa.

Para kay Enchong, “I really like your fighting spirit because kapag meron siyang prinsipyo na pinanghahawakan, ay hinahawakan niya talaga ‘yun.”

Dagdag niya, “Number two, You remind me to really take care of ourselves. Number three, I must admit I really love your hair.”

Credit: Enrich Originals YouTube

Para kay Erich naman, “You’re sweet naman talaga. Super maabilidad. Grabe si boyfriend nakakabilib ‘yung kanyang mga abilities. Smart and wise ‘to na tao si boyfriend [Enchong].”

Hindi maitatago na umaapaw ang chemistry ng EnRich. Maraming pagkakataon na hindi mapaghahalataang nagpapanggap lang ang dalawa. Dumating sa puntong inamin ni Erich na nahihirapan siya sa ginagawa nilang pagpapanggap lalo nang makarating sila sa usapin ng kinabukasan ng kanilang mga magiging anak.

Credit: Enrich Originals YouTube

Ani Enchong, “Hindi kita hahayaan na sa future maghihirap tayo. I will work hard for us.”

Sinakyan naman ni Erich ang acting ni Enchong at sinabing, “I’m also hardworking naman boyfriend so we will work hard for the future of our children.”

Credit: Enrich Originals YouTube

Sumusukong sinabi naman ni Erich, “Gising ka boyfriend. Gising ka. Oo. Nahihirapan na me.”

Huling ginawa ng EnRich bilang mag-jowa ay mag-late dinner date sa bahay nina Enchong. Ipinagluto si Erich ng Mama ni Enchong ng paborito nitong pagkaing Bikolano na puso ng saging sa gata.

Credit: Enrich Originals YouTube

Samantala, sa pagtatapos ng kanilang 24-Hour mag-jowa challenge ay nagpasalamat sina Erich at Enchong sa kanilang mga subscriber.

Dalawang linggo pa lang kasi ang YouTube channel nilang “ENRICH ORIGINALS ” ay umabot na sa mahigit 100 thousand ang subscribers nito. Inaabangan din ng kanilang subscribers ang mga susunod na vlog na gagawin nila sa YouTube channel.

Credit: Enrich Originals YouTube

Umani naman ng maraming reaksyon mula sa netizen ang ginawang mag-jowa challenge ng EnRich.
Ani ng netizens:

“Am I the only with how they are to each other their chemistry is screaming 💖😻 it looks like it’s not scripted they look good together”

Credit: Enrich Originals YouTube

“This is the only filipino vlogs i watched although i dont know the subs because i ship them togetherr”

“Feeling ko iniibig nila ang isat isa pero d pa inaamin sa isat isa. I love them. Kinikilig ako eh.”

The post Erich Gonzales at Enchong Dee, pinakilig ang mga netizen nang subukang maging mag-jowa sa loob ng isang araw appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments