Dianne Medina at Rodjun Cruz, ganap nang mommy at daddy sa pagsilang ng kanilang panganay na anak na si Baby Rodolfo Joaquin

Isang ganap na ina na ang actress-host at vlogger na si Dianne Medina. Natapos na rin ang paghihintay ng mag-asawang Dianne at Rodjun Cruz dahil ngayong araw, September 10 ay ipinanganak na ni Dianne ang kanilang panganay na anak na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram          

Sa isang Instagram post ay inanunsyo ni Dianne na ipinanganak niya si Baby Rodolfo 1:55 am ngayong araw.

Aniya sa IG post, “My Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III Thank you my Almighty Father. September 10, 2020 1:55 am.”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ni Dianne sa Instagram ay masayang-masaya ang pamilya nito lalong-lalo na ang mister nitong si Rodjun.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Nagbahagi rin si Rodjun ng isang litrato sa kanyang Instagram. Sa litrato ay makikitang hinahawakan ni Rodjun ang maliit na kamay ng anak.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Sa caption ng post sinabi ni Rodjun na, “(September 10, 2020) Welcome to the World Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much Son @babyjoaquinilustre! I will hold your hand Forever.”

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Kamakailan lang ay ipinahayag ng mag-asawa na hindi na sila makapaghintay na masilayan si Baby Rodolfo.

Sa isa pang Instagram post ay sinabi ni Rodjun na, “Hindi na kami makapag hintay ng Mommy mo na makita, mayakap at mahilakan ka Anak!”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Answered prayer na maituturing nina Dianne at Rodjun si Baby Rodolfo.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawa mula sa ilang kasama nila sa showbiz.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Ani ng matalik na kaibigan ng mag-asawa na si Alex Gonzaga, “Ang pogi naman agad agad!!! Congrats!! God is good.”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Komento naman ni Max Collins, “So happy for you Dianne and @rodjuncruzofficial”

Saad naman ng aktres na si Denise Laurel, “Congrats u guys!!!! Parang kelan lang we wer talking about ur wedding!!! Hugs to u both!!!!!”

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

“Congratulations brodiiiieeeeeee Can’t wait to see Joaquin!!!!”, ani Aaron Villaflor.

Credit: Dianne Medina Ilustre Instagram

Samantala, December noong nakaraang taon nang ikasal sina Dianne at Rodjun. April ngayong taon naman nila inanunsyo ang pagbubuntis ni Dianne sa panganay na anak. Simula nang malaman ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng anak ay hindi na maalis ang excitement ng dalawa na makikita sa kanilang mga post sa social media.

The post Dianne Medina at Rodjun Cruz, ganap nang mommy at daddy sa pagsilang ng kanilang panganay na anak na si Baby Rodolfo Joaquin appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments