Erich Gonzales, naiyak sa araw ng kanyang 30th birthday dahil sa pangungulila sa pamilyang malayo sa kanya ngayon

Hindi naiwasan ni Kapamilya actress Erich Gonzales na maging emosyonal sa birthday vlog na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel.

Credit: Erich Gonzales Instagram        

Nitong September 20 ay ipinagdiwang ni Erich ang kanyang ika-30 taong kaarawan na hindi kasama ang pamilya.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Hindi napigalang mapaluha ni Erich sa vlog habang ipinapahayag kung gaano niya nami-miss ang pamilya.

Sa vlog ay ikwenento ni Erich na dahil sa p@ndemya maaari lamang niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang pamilya sa pamamagitan ng isang video call.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Hindi maiwasan ni Erich na makaramdam ng lungkot lalo na’t hindi niya kasama ang pamilya sa isang napaka-espesyal na araw.

Aniya, “Sobrang miss ko lang ‘yung family ko especially ngayon. Medyo sad lang konti na sana kasama ko sina mama, si ate, si kuya.”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Birthday wish naman ng aktres na matapos na ang p@ndemya para umano makasama na niya ang mga mahal sa buhay.

Ani Erich, “Siguro dasal ko lang talaga na sana matapos na ‘to lahat, ‘no? Para makasama na natin ‘yung mga mahal natin sa buhay.”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Dagdag niya, “I just wanted to say thank you for all the love and support. Hindi po talaga ako magsasawa na magpasalamat sa inyo. Thank you very much sa pagsama sa akin today. Sa lahat po ng mga nag-send ng messages. Sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal, nagbigay ng regalo.”

Sa huli, sinabi ni Erich na ang pinakamagandang regalo na matatanggap ng isang tao ay magandang kalusugan.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Saad ni Erich, “But you know what? Ang pinakamagandang regalo talaga is good health para sa ating lahat, para sa ating mga mahal sa buhay. Again, let’s just continue to pray na malagpasan natin lahat ng ‘to at matapos na ang lahat ng ‘to at bumalik na sa normal ang lahat.”

Samantala, sa isang Instagram post ay isang nakakakilig na birthday message naman ang ibinahagi ni Enchong para kay Erich.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Ani Enchong, “I will celebrate life extra today because of you. Happy Birthday mylabs.”

Tugon naman ni Erich sa IG post ni Enchong, “I remember this photo-our first shooting day (PACK UP na!) haha our itsura. Tired but fulfilled. Thank you very much, Partner. Glad I’m on this journey with you. Woudn’t change a thing. I Love You. @mr_enchongdee”

Hindi tuloy maiwasan ng netizens na hilingin na sana magkatuluyan sa totoong buhay sina Erich at Enchong.

Credit: Enrich Originals YouTube

Sa tagal kasi ng pinagsamahan nina Erich at Enchong bilang mag-onscreen partner ay kapansin-pansin ang sweetness ng dalawa sa isa’t isa. Komento ng netizens:

“Sana talaga kayu nalang”

“for real na ba to masbagay kayo lovecouple”

“Sana totoong kayo na lang”

Credit: Enrich Originals YouTube

“Gusto to!!!!!!! Kilig na kilig nanaman kami”

“sana totohanin nyo na super bagay kayo..”

Parehong single sina Erich at Enchong. Maraming beses na rin nilang nilinaw na matalik lang silang magkaibigan.

The post Erich Gonzales, naiyak sa araw ng kanyang 30th birthday dahil sa pangungulila sa pamilyang malayo sa kanya ngayon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments