Aktres na si Nadine Samonte, pinabilib ang netizens sa pagiging isang simple at maabilidad na nanay at asawa

“Masaya ang buhay kapag simple lang talaga.” Ito ang napatunayan ngayon ni “Starstruck” alumna at model-actress Nadine Samonte matapos nitong ibahagi sa social media ang kanyang naging buhay matapos lisanin ang pag-aartista.

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

 

Maraming netizen ang pumuri sa klase ng pamumuhay ni Nadine ngayon. Sa mga larawang ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram ay makikita ang kanyang simple ngunit masayang buhay kasama ang pamilya.

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Malayo sa makinang na mundo ng showbiz ay ibinahagi ni Nadine kung ano ang mga karaniwan niyang ginagawa bilang isang ina. Kasama na rito ang mano-manong paglalaba nito sa damit ng pamilya at paglilinis ng kanilang sasakyan.

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Nadine na hindi talaga siya maarteng babae. Aniya sa Instagram post, “Walang carwash??? No problem we got this. Basta sama sama at nagtutulungan lahat magagawa at malalagpasan sa mga hindi po nakakakilala skin cowgirl po tlga ako hehe #familylove”

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Sa isa pang Instagram post kung saan makikita si Nadine na naglalaba kasama ang kanyang anak na babae ay ikinuwento ni Nadine na gusto niyang ‘hands-on’ siya sa paggawa ng mga gawaing bagay upang maging halimbawa na rin sa mga anak.

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Ani Nadine, “What a wonderful morning with my little Heather she is so sipag i let her do chores na din para at an early age marunong na sya at natuturuan na😅.”

Dagdag ni Nadine, “Yes i love washing and ironing and cleaning mas gusto ko hands on ako sa ibang bagay kasi minsn our kids follow what we do.”

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Inamin din niya sa post kung bakit siya sa umalis sa showbiz.

Pag-amin niya, “Thats the reason din kung bakit wala ako sa showbiz im enjoying every minute na kasama ko mga anak ko and my fam❤ i love doing anything for them❤❤❤

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Pinatunayan din ni Nadine na isa siyang praktikal na ina at asawa dahil bukod sa siya mismo ang gumagawa sa mga gawaing bahay ay pinagkakaabalahan din ni Nadine ang pagtatanim ng iba’t ibang gulay sa kanilang garden.

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Proud si Nadine na marami-rami na rin ang kanilang na-harvest mula sa kanilang garden. Masaya rin siya na kahit papaano ay napapakinabangan ng kanilang pamilya ang pagga-garden niya.

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

Samantala, simula nang maikasal sa asawa nitong si Richard Chua na isang businessman at anak ng aktres na si Isabel Rivas noong 2013 ay lumagay na sa tahimik si Nadine. Mayroon itong dalawang anak na sina Heather Sloane at Austin Titus.

Maraming netizen din ang natuwa sa aktres dahil sa pagiging simple nito.

“Natutuwa ako sayo nadine wala kang ka arte arte.”

Credit: Nadine Samonte Chua Instagram

“Mga ngiti ng isang masaya at simpleng pamilya”

“Simple Nadine”

“Nadine one of the most down to eart artist i know”

The post Aktres na si Nadine Samonte, pinabilib ang netizens sa pagiging isang simple at maabilidad na nanay at asawa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments