Dawn Zulueta, sobrang hands-on sa online classes ng dalawa niyang anak

Kanya-kanyang diskarte ngayon ang mga magulang para maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang anak na sasabak na sa unang pagkakataon sa kanilang online class.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kabilang na nga rito ang aktres na si Dawn Zulueta na maraming inihanda para maging maayos ang takbo ng online class ng mga anak.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ni Dawn ang paghahandang kanyang ginawa para sa online class ng mga anak. Kabilang dito ang pagse-set up ng lugar kung saan gaganapin ang online class ng mga anak na sina Ayisha Madlen Lagdameo at Jacobo Antonio Lagdameo.

Noong unang araw ng pagsabak ng mga anak ay aminado ang aktres na nakakaranas pa rin siya ng mga problema.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Sa isang larawang ibinahagi nito ay mukhang nahirapan din si Dawn sa pag-aayos ng mga kakailanganin ng anak sa kanilang online class.

Tinawag pa niya ang sarili na isang “overeager troubleshooting mother”. Sa larawan kasi ay makikitang may inaayos si Dawn sa gadget ng anak. Saad pa niya na parang siya raw ang naka-enroll.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Aniya, “Today, our children began their virtual education…Making world history in 2020’s 1st day of school distance learning, on a global scale #qu@rantinelife #newnormal #stayhomeandstudy. Ignore the overeager troubleshooting mother…bakit parang ako naka-enrol?”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Sa isa pang larawan na ibinahagi ni Dawn sa Instagram ay makikitang masaya ang aktres dahil naging matagumpay ang mga unang linggo ng online learning ng mga anak.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Ipinagmalaki rin ni Dawn ang ginawa nilang “learning pod” na kumpleto ng mga gamit na makakatulong sa mga anak para sa kanilang online learning.

Aniya sa caption ng IG post, “Our own little “Learning pod”
WIFI strong , headsets on, panel divider for space sharing—
didn’t do so bad for their first 2 weeks of #onlineclass.”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Dagdag pa ng aktres na sana ay manatiling maayos ang takbo ng online class ng mga anak.

Samantala, kahit namumuti ang mga buhok ni Dawn ay hindi pa rin kumukupas ang ganda nito.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Mukhang kahit nagdudulot ng stress sa aktres ang online learning ng mga anak ay fresh-looking pa rin si Dawn dulot na rin mismo nang maayos na pag-aalaga ng aktres sa sarili.

Aktibo pa rin kasi si Dawn at sinisigurado talaga nitong hindi napapabayaan ang kasulugan sa pamamagitan ng healthy at balanced lifestyle.

The post Dawn Zulueta, sobrang hands-on sa online classes ng dalawa niyang anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments