Batikang aktres na si Gina Pareño pinatunayang kaya pang makipagsabayan sa mga Tiktok Challenge

Dahil bored na daw sa bahay ang beteranang aktres na si Gina Pareño o mas kilala ngayon sa social media bilang @yourlolagets, kaya’t naisipan niyang gawin na rin ang isang bagay na nagpapasaya sa lahat ngayon kahit nasa bahay lang–ang pag-TikTok.

Credit: yourlolagets Instagram   

Anim na buwan matapos simulang ipatupad ang community qu@rantine sa bansa noong Marso ay hindi natin maiwasang ma-buryo o ma-bored sa ating mga bahay. Dahil nga ‘stay-at-home’ muna ang mga katulad niyang senior citizen ay nakahanap ng gagawin si Gina na talaga namang nagbibigay ng labis na kasiyahan sa kanya.

Sa edad na 70, hindi nagpahuli si Gina sa mga dance challenge sa TikTok. Bukod sa pagsayaw, game na game rin si Gina na kumanta at umarte. Sinabi rin niyang ready na rin siyang makipag-b@liwan kasama ang kanyang followers.

Credit: yourlolagets Tiktok

Aniya sa pinakaunang TIkTok video na inupload niya, “Hi mga Mahal, nandito na ako sa TikTok. Ready na akong makipagsayawan, makipagkantahan, makipag-actingan at higit sa lahat makipag-b@liwan!”

@yourlolagets

Hi mga Mahal, makikisali na ako dito sa TikTok. Ready na akong makipag baliwan! Follow nyo ako ha! ❤ #foryou #foryoupage #LolaGets #GinaP

♬ original sound – Geraldine Acthley – Geraldine Acthley

Sa unang video na inupload ni Gina ay umabot agad ng mahigit 900 thousand ang views nito.

Sa pinakaunang dance challenge ni Gina sa kantang “Banana” ng sikat na Jamaican reggae musician na si Shaggy, na nagpasikat din ng mga kantang “Boombastic” at “It Wasn’t Me”, ay parang bagets pa rin ang energy nito habang sumasayaw.

Credit: yourlolagets Tiktok

Bukod sa “Banana” dance challenge, ay kumasa rin si Gina sa “Savage Love”, “Binibining Marikit” at “Chinita Girl” dance challenge.

@yourlolagets

Disinfect parati mga Mahal ha! Para parati tayong safe sa nga germs at viruses #fyp #wipeitdownchallenge #viral #funny #mirrorchallenge #LolaGets

♬ Wipe It Down – BMW KENNY

Mukhang aliw na aliw naman ang netizens kay Gina at humakot agad ang TikTok video nito ng 2 million views.

Pagkukuwento ni Gina sa isang ‘ask-video’ interview pinasok niya ang pag-TikTok dahil nabuburyo na talaga siya sa kanyang bahay.

Credit: yourlolagets Tiktok

Aniya, “Siyempre dumating panahon na ‘I’m in the house bored, and bored I’m in a house’ parang malol0ka ka.”

Gusto rin daw magbigay saya ni Gina, “Ang intensyon mo ay para pasayahin ang mga tao. Doon mo mai-express ‘yung sarili mo na natural.”

Credit: yourlolagets Tiktok

Samantala, kasalukuyang ‘verified’ TikTok user na ang account ni Gina at mayroon na itong mahigit 800 thousand followers at 4.5 million likes.

Credit: yourlolagets Tiktok

Sa mga hindi nakakaalam, ang TikTok ay isang mobile video sharing app kung saan ay pwede kang gumawa ng 30-60 segundong video.

The post Batikang aktres na si Gina Pareño pinatunayang kaya pang makipagsabayan sa mga Tiktok Challenge appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments