Tignan ang napaka-cute at adorable na anak ng aktres na si Empress Schuck

Halos limang taon matapos ipanganak ng aktres na Empress Schuck ang kanyang anak na si Athalia ay tinatamasa ngayon ni Empress ang masayang buhay kasama ang adorable na anak at boyfriend nitong si Vino.

Credit: Empress Schuck Instagram        

Sa mga videos na ibinahagi ni Empress sa kaniyang mga social media account ay makikitang lumaking matalino, masayahin, at bibo si Athalia.

Credit: Empress Schuck Instagram

Sa Q&A YouTube vlog episode ni Empress kasama si Athalia ay matalinong sinagot ni Athalia ang mga tanong ng kaniyang Mommy.

Maraming natuwa sa mga sagot ni Athalia, lalo na sa tanong ni Empress na, “If mama could go anywhere, where would she go?”

Credit: Empress Schuck Instagram

Nasurpresa si Empress sa sagot ni Athalia. Mukha kasi itong nagpaparinig sa Mommy niya na bilhan siya ng bagong laruan.

“In the cooking shop. Also, in the toy store. Why? You go in the toy store…you buy toys with…in me.”

Maraming netizens ang  natuwa sa pagiging bibo at curious ni Athalia.

Credit: Empress Schuck Instagram

“Ang cute ni Athalia at matalino pa”

“Ang ganda naman ni baby Athalia mana sa mommy”

Credit: Empress Schuck Instagram

“Athalia is sooo cute and as always Empress is pretty You raised your daughter well. She’s smart and bubbly”.

Mahilig din sumayaw at kumanta si Athalia. May future din ito kung sasakaling gusto nitong sumunod sa yapak ng Mommy niya dahil maganda at talented ang bata. Pero sa ngayon, focus muna ito sa pag-aaral.

Credit: Empress Schuck Instagram

April 11, 2015 nang kinumpirma ng aktres na si Empress Schuck na nagdadalang tao siya sa kaniyang unang baby sa non-showbiz boyfriend nitong si Vince Guingona.

Credit: Empress Schuck Instagram

Hindi naging madali kay Empress ang naging sitwasyon lalo pa’t itinago nila ni Vino ang kanilang relasyon sa kaniyang parents dahil sa pagiging strikto ng mga ito pagdating sa pakikipag-relasyon.

Samantala, simula nang malaman niyang siya ay magiging ina ay inamin ng aktres na maraming pagbabago ang inihatid ni Athalia sa kaniyang buhay.

Credit: Empress Schuck Instagram

Noong September 27, 2015 ipinanganak ni Empress si Athalia. 22 years old siya noon.

Sa isang panayam ni Empress sa Kapamilya talk show na Tonight with Boy Abunda, sinabi niyang narealize niya na naging tunay siyang mature nang dumating si Athalia sa kaniyang buhay.

Credit: Empress Schuck Instagram

Ayon kay Empress, binago ng pagiging ina niya ang kaniyang priorities sa buhay. Sinisigurado daw niyang mas nauuna niyang punan ang pangangailangan ni Athalia kaysa sa kaniyang sarili.

Credit: Empress Schuck Instagram

“Yes, as simple as shopping. Punta ka sa mall, ‘pag single, ‘pag wala kang baby punta ka sa clothes, sa accessories, sa kahit ano…bags. Pero ngayon, punta ka baby shop, baby stores kahit anong… kahit pagkain ng baby… hindi mo uunahin ang sarili mo… bibilhan mo muna ng pagkain yung baby mo,” ani ni Empress sa kaniyang panayam kay Tito Boy.

The post Tignan ang napaka-cute at adorable na anak ng aktres na si Empress Schuck appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments