Ganito pala nagkakahalaga ang nabanggang mamahaling sasakyan kamakailan ni Daniel Padilla

Nagtrending kamakailan si Kapamilya Teen King Daniel Padilla matapos ang insidenteng kinasangkutan nito sa kalsada nitong August 12, 2020 sa Fairview, Quezon City.

Credit: Reynaldo Duron Facebook  

Sa mga viral videos na inupload ng mga nakasaksi sa pangyayari, pinahanga ng aktor ang netizens dahil sa ipinakitang pagiging kalmado nito kahit pa nabangga ang kaniyang mamahaling sasakyan.

Credit: Reynaldo Duron Facebook

Ayon sa mga balita, ang sasakyan dala noon ni Daniel ay isang 1967 Ford Mustang na maaaring nagkakahalaga ng 5-7 milyong piso.

Credit: Reynaldo Duron Facebook

Kung titignan ang nabanggang sasakyan ni Daniel ay kapareho ng 1967 Ford Mustang Eleanor na sumikat sa pelikulang Gone in 60 seconds noong 1974 at at remake movie na pinagbidahan naman ni Nicholas Cage noong 2000.

Credit: Gone in 60 seconds movie

Gayunpaman, kahit ilang milyon ang halaga ng kaniyang sasakyan ay ipinakita pa rin ni DJ na mas importante sa kanya ang kapwa niyang tao kesa sa kanyang mamahaling sasakyan. Ipinakita niya ang  kabutihang loob sa nakabanggang tricycle driver sa pamamagitang ng hindi na pagpapabayad dito.

Credit: Vince San Juan Instagram 

Hindi na nakapagtataka kung bakit nabigla ang lahat sa ginawa ni Daniel lalo pa’t imbes na pagbayarin ang tricycle driver na bumangga sa likurang bahagi ng kaniyang mamahaling sasakyan ay ang aktor pa mismo ang nag-abot ng perang pantulong para sa driver.

Credit: Reynaldo Duron Facebook

Kilala si DJ na mahilig mangolekta ng mamahaling sasakyan. Ayon sa mga balita, binili ni DJ ang kaniyang unang sports car sa edad na 20.

Credit: Vince San Juan Instagram

Sa isang interview din ng ABS-CBN kay DJ, ay tinanong ito kung may bagay ba siyang hinahangad na makuha.

Credit: @supremo_dp Instagram

Sagot ng aktor, “Actually na-achieve ko na ‘yung isa sa mga pangarap ko. Nakuha ko na ‘yung mga bunga ng pagtatrabaho ko.”

Credit: KathNiel_Everyday🐘💙 Instagram

Ang itinutukoy ni Daniel sa interview ay ang kaniyang black Dodge Challenger sports car na nagkakahalaga ng P3 milyon.

Credit: @supremo_dp Instagram

Tinatayang may 12 mamahaling sasakyan ang aktor. Isa rito ay isang red Chevrolet Corvette Stingray, na ayon sa mga balita ay nabili ng aktor sa halagang 9 na milyong piso.

Si Daniel John Ford Padila o mas kilala bilang DJ ay anak ng aktres na si Karla Estrada at ng action superstar na si Rommel Padilla. Sumikat si DJ dahil sa kaniyang galing sa pag-arte at pagkanta.

The post Ganito pala nagkakahalaga ang nabanggang mamahaling sasakyan kamakailan ni Daniel Padilla appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments