Daniel Padilla, nagviral at hinangaan dahil sa ipinakitang kagandahang loob sa tricycle driver na nakab@ngga sa kaniya

Binansagan ngayong “good samaritan” ang Kapamilya superstar na si Daniel Padilla ng netizens dahil sa kabutihang ipinakita nito sa drayber ng tricycle na nakab@ngga sa kaniyang minamanehong sports car nito lamang Miyerkules ng hapon sa Fairview, Quezon City.

Credit: @supremo_dp Instagram

Naiiba ang ipinamalas na reaksyon ni Daniel sa kung ano ang karaniwang nakikita natin kapag ang isang sikat na artista ay nasangkot sa isang ins!dente sa kalsada.

Credit: Reynaldo Duron Facebook

Marami ang humanga sa aktor dahil imbes kasi na magalit siya sa nakab@ngga sa kanya ay mahinahon niya itong kinausap.

Sa viral video na inupload ng netizen na si Reynaldo Duron sa Facebook ay makikitang kalmado lang ang aktor habang ipinapaliwanag sa drayber ang nangyari sa kaniyang sasakyan.

Credit: Reynaldo Duron Facebook

Marami rin sa nakasaksi sa pangyayari ang hindi makapaniwala sa naging reaksyon ng aktor lalo pa’t tutulungan pa umano nito ang nakab@ngga sa kaniyang tricycle driver sa pagbabayad ng kaniyang ginawang paglabag sa kalsada.

Credit: @JayArBagamano Twitter

Sa ilan pang videos ay makikita na lubos na pinahanga ni Daniel ang mga nakasaksi sa pangyayari dahil nag-abot pa ito ng pera sa kasangkot na tricycle driver at humingi ng paumanhin sa mga naabala dahil sa pangyayari.

Sa caption ng Facebook post ni Jessica De Vera Tamayo ay sinabi niyang, “Nakita mo nanaman si Daniel Padilla E-j Libay sana ol. Si Daniel na nabunggo siya pa nagbigay kay manong. Bait talaga.”

Sinabi rin ng isa pang nakasaksi sa pangyayari na si @JayarBagamano sa isang Twitter post na, “Daniel Padilla nabanga ng tricycle yung sasakyan niya siya pa nag bigay ng pera sa tryk driver. what a good samaritan.”

Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ni DJ dahil naiintindihan nito ang sitwasyon ng tricycle driver kaya’t ito na mismo ang tumulong imbes na magpabayad.

Credit: @JayArBagamano Twitter

Narito ang ilan sa mga komentong natanggap ni DJ mula sa mga nakapanuod ng viral videos.

“The simplicity of this man. Daniel Ford proves that he has a kind-hearted & generous man. He handle the situation very calm and smooth. He also remind people to practice social distancing”, ayon kay @KDKNUpdatesPH.

Credit: Reynaldo Duron Facebook

Sa Twitter post ni @Wee_reyess sinabi niyang, “So much respect for this young man! Daniel Ford nambawan!”

Samantala, nagpasalamat naman ang ina ni DJ na si Karla Estrada sa mga positibong komento ng mga netizen sa naging aksiyon ni DJ.

Credit: Karla Estrada Instagram

Aniya, “Guys ok si DJ. Kaunting gasgas lang sa sasakyan. At syempre everybody happy! No Problem! Tuloy ang buhay!”

The post Daniel Padilla, nagviral at hinangaan dahil sa ipinakitang kagandahang loob sa tricycle driver na nakab@ngga sa kaniya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments