Aktres at singer na si Roxanne Barcelo, nagbigay ng nakakatawang house tour sa kanyang bagong “balur”

Ipinasilip kamakailang ng kilalang aktres at product endorser na si Roxanne Barcelo sa publiko ang kanyang naipundar na condo. Ayon sa kanya ay hindi niya makakamit ang kanyang condo kung hindi dahil sa suporta at pagmamahal sa kanya ng kanyang mga supporter.

Credit: Roxanne Barcelo Instagram         

“Thanks to you, mga Badidap, and the power of hard work and claiming it started from the bottom now we’re here! Started fresh, mas pina-fresh pa.”

Simula 13 years old pa si Roxanne nang pumasok sa mundo ng showbiz. Ito ay noong sumali siya sa isang singing contest sa GMA.

Mas umingay ang pangalan ni Roxanne nang mapabilang siya sa reality competition na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition at mabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kanyang kahusayan sa pag-arte nang siya ay maging bahagi ng teleserye na Wildflower.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Hindi lang sa pag-arte naipamalas ni Roxanne ang kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang angking talento sa pagkanta at pagsayaw.

Sa kabila ng kanyang kasikatan ay pinasok na din ng aktres ang pagba-vlog at kamakailan nga ay ipinakita niya ang kanyang tinatawag na bagong ‘balur’.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Pagpasok pa lang sa kanyang condo ay unang ipinakita ng aktres ang ‘receivables’ (receiving area) na kung saan ay makikita kaagad ang malaking wall clock na nakasabit dito.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Katapat naman ng kanyang receiving area ay matatagpuan naman ang kanyang kitchen. Kitang-kita ang pagiging organized ng aktres mula sa pagkakaayos ng kanyang mga kitchenwares at iba pang mga kagamitan.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Sumunod naman ipinasilip ni Roxanne ang laman ng kanyang Refrigerator. Ipakita ni Roxanne ang favorite butter niya na ayon sa kanya ay paborito din ng kanyang mga magulang.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

“This is my favorite because this is the favorite butter of my mother and my father. They break bread together and they ‘subo’ each other, with a bread and a butter.”

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Ipinakita din ni Roxanne ang kanyang dining table, living room, laundry room, bathroom, terrace at ang kanyang bedroom.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Sa kanyang bedroom ay makikita naman ang isa sa mga pinangarap niya noon na ma-experience at ito ay ang window sill. Ayon sa kanya ay sa malaking window sill siya umuupo at ginagawa ang pag e-emote niya.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

Lubos naman ang pasasalamat ni Roxanne sa Panginoon nang kanyang balikan ang naging buhay at mga pinagdaan noon.

Credit: Roxanne Barcelo Facebook

“Nagpapasalamat talaga ako sa araw-araw. Lahat ng malilit na bagay, malalaki, pinapasalamat ko Siya. As in, nag-tathankyou ako sa Creator ko na this is not out of privilege, alam niyo ‘yan.”

The post Aktres at singer na si Roxanne Barcelo, nagbigay ng nakakatawang house tour sa kanyang bagong “balur” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments