Kinikilig na ikwinento nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kung paano sila unang nagkakilala at naging close

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ng aktres na si Andi Eigenmann at ng partner nitong professional surfer na base sa Siargao na si Philmar Alipayo, ang kanilang journey bilang isang couple sa kanilang fans at followers.

Credit: Happy Islanders YouTube      

Sa kanilang nakakakilig na sit-down Q&A + Relationship Kwentuhan vlog, ikwinento nina Andi at Philmar kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Credit: Happy Islanders YouTube

Unang nagkita ang magkasintahan sa isang awarding night kung saan simula noon ay naging magkaibigan na ang dalawa. Pag-amin ni Philmar, noong unang pagkikita nila ni Andi ay hindi niya ito kilala. Ngunit si Andi, bilang fan ng surfing, ay kilala na si Philmar at nagpapicture pa sa professional surfer.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Memorable rin kay Andi ang lugar kung saan nagsimulang mabuo ang kanilang romantic relationship. Masayang ikwinento ni Andi na nagsimula ang kanilang pag-iibigan noong inimbitahan siya ng kanilang mutual friend sa Siargao na mag-hang out sa isang bridge kasama ang mga kaibigan nito.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Sinabi ni Andi na sunset ng oras na iyon nang dumating si Philmar.

Ikwinento ni Philmar na sinabi ng kanyang ina na may isang “actor friend” daw ang naghahanap sa kaniya. Walang ideya si Philmar kung sino ang tinutukoy ng kaniyang ina.

Ibinahagi pa ni Andi na kilala daw siya ni Philmar sa pangalan at alam nito na sikat siya sa Instagram ngunit hindi alam ni Philmar na isa siyang sikat na artista at never pa siya nito napanood sa telebisyon. Dahil dito ay naging komportable si Andi kay Philmar.

Credit: Happy Islanders YouTube

“I think that’s what made me more comfortable with Philmar. Just like me only getting to know him, it’s the same for him because he didn’t know anything about me. I had to share everything so that was really nice and refreshing. We got really close and we got along so well.”

Nang oras na ni Philmar na magkwento kung paano niya nalaman na in-love na siya kay Andi ay hindi maiwasan ni Andi na kiligin.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Ito ang simple ngunit nakakakilig at honest na sagot ni Philmar kay Andi, “Nung naghiwalay tayo…I realized that I am happy with you…na masaya akong pinapasaya kita. I think it’s love.”

Credit: Happy Islanders YouTube

Pagkatapos ng first stage ng kanilang relationship ay ibinahagi nina Andi at Philmar ang mga problemang hinarap nila nang magsama na sila. Isa na rito ay ang natatanggap na pangbabash ni Philmar dahil sa kaniyang kutis at pagiging probinsyano.

Credit: Andi Eigenmann Instagram

“But it’s okay because while people are being mean we’re happy and we’re just living our happiest…awesomness life!”, patutsada ni Andi sa mga haters nila.

The post Kinikilig na ikwinento nila Andi Eigenmann at Philmar Alipayo kung paano sila unang nagkakilala at naging close appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments