Comedian-Singer Ethel Booba, namahagi ng biyaya sa mga kababayang Aeta bilang selebrasyon sa kanyang nakamit na 1M subscribers sa YouTube

Isa ang Pilipinas sa mga bansang napakaraming mga vloggers. Kaliwa’t kanan ang mga vlogs na kung saan nahuhumaling at naaaliw ang mga netizens at mga viewers. Marami ang mga vloggers na kung saan makikita na umaangat ang kanilang mga buhay dahil sa kanilang pagvovlog. Maging mga artista ay pinasok na din ang mundo ng vlogging.

Isa na dito ang komedyante at host na si Ethel Booba. Sa good vibes na hatid ni Ethel, di malayo na marami ang subscribers nito.

Ngayon, masayang ibinahagi sa atin ni Ethel na 1 million na ang subscribers nito. At bilang pagdiriwang ng kanyang success, ibinahagi ni Ethel ang blessings na tinatamasa nila.

Namahagi sila ng pagkain para sa mga katutubong Aeta. Malaking tulong ito sa kanila at nagdala din sila ng saya dito. Bukod sa pagkain, nagpalaro din sila kaya naman masayang-masaya ang Aeta community.

Katuwang ni Ethel dito ang kanyang asawang si Chef Jessie. Ayon sa kanya, ibinahagi nila ang video hindi para magyabang kundi maging ehemplo sa iba at makatulong din sa nangangailangan.
Sa simpleng paraan, isang malaking bagay na para kay Ethel na matulungan ang mga katutubong Aeta.

Bilib na bilib ang mga netizens kay Ethel.

“Hello ate Ethel! Naiinspire tlga ako sa buhay mo ngaun…dati um!iyak kang nakikita kita dahil sa mga ex mong iniwan ka…pero ngaun ang saya mo na…stay strong lng po kau ni kuya Jessie…bihira lng po sa lalaki ang ganyan…God bless your family ate ❤❤❤,” saad ng isang netizen.

Nagpaabot naman ng pagbati ang isa,

“Congrats! It’s heart warming to see people like you sharing your gifts to our IPs brothers and sisters! May you be continually blessed!

Pinuri din si Ethel sa mga salitang ito,

“HOyyyyyyyyyyyyyyyy Ethel!!! What a a nice gesture to help our very first lahi na mga Aetas. AT napaksaya din tignan na nageenjoy sila . Nakakatuwa malaman from the liblib na area kilala ka nila. Kudos to this.”

The post Comedian-Singer Ethel Booba, namahagi ng biyaya sa mga kababayang Aeta bilang selebrasyon sa kanyang nakamit na 1M subscribers sa YouTube appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments