Tignan ang buhay ngayon ng tinaguriang isa sa may pinakamagandang mukha sa radyo na si Andi Manzano

Isa si Andi Manzano o mas kilala ng lahat bilang DJ Andi 9 ng Magic 89.9 sa may pinakamagandang mukha at boses sa Radyo ng kaniyang henerasyon sa Pilipinas.

Kahit na may mga kamag-anak siya sa showbiz katulad nila Edu Manzano, Luis Manzano, at Gary Valenciano ay gumawa pa rin ng sariling pangalan ang VJ-host.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram           

Ngunit nasaan na nga ba ngayon si Andi?

Bukod sa pagiging DJ at host ay YouTube vlogger at Instagram influencer na rin ngayon si Andi.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Sa kaniyang YouTube channel at Instagram ay proud si Andi na gampanan ang bagong role niya bilang isang asawa at supportive mommy sa kaniyang mga naggagandahang anak.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Noong November 12, 2013 ay pinakasalan ni Andi ang club owner, restaurateur at creative director ng Century Properties na si GP Reyes. Kasama sa mga pagmamay-ari ni GP ang Palace Pool Club, Tides Boracay, at Valkyrie.

Nagkakilala si Andi at GP dahil sa pinsan ni Andi na si Luis “Lucky” Manzano na matalik na kaibigan ni GP. Ikinuwento ng DJ at host na nagsimula ang kanilang pag-iibigan na nauwi sa isang engrandeng kasalan nang dahil sa Facebook. Bago kasi ang unang pagkikita nila Andi at GP ay isang buwan muna silang naging magkaibigan sa Facebook.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Taong 2015 ay isinilang ni Andi ang kanilang unang baby na pinangalanan nilang Pilar Olivia. Dahil sa kasikatan ni Andi at angking kagandahan ay naging usap-usapan agad si Baby Olivia sa social media.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Mas lalong sumikat si Baby Olivia nang magdiwang siya ng kaniyang unang kaarawan sa isa sa pinakasikat na Club sa Manila ang The Palace Pool Club na pagmamay-ari ng kaniyang Daddy GP.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Lumabas din sa iba’t ibang commercial si Baby Olivia kagaya ng Promil at endorser din siya ng mga sikat na brand katulad ng Uniqlo at Dunlopillo.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Si Baby Olivia rin ang kauna-unahang pinakabatang naging cover girl ng sikat na magazine na Preview.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Kasalukuyang may higit 400K Instagram followers naman si Olivia.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Bukod kay Olivia ay kinagigiliwan din ng netizens ang pangalawang anak nina Andi at GP na si Corazon Amelia. Ipinanganak ni Andi si Amelia noong nakaraang taon, January 2019.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Bago pa isilang ni Andi si Amelia ay nag-trending muna ang napaka-engrandeng gender reveal na isinagawa ng mag-asawa sa isang sikat na club na pagmamay-ari pa rin ni GP sa Bonifacio Global City.

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Credit: Andi Manzano Reyes Instagram

Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin sa kaniyang Radio DJ at hosting career si Andi. Busy din ito sa paggawa ng iba’t ibang YouTube content para sa kaniyang YouTube channel kung saan ay ibinabahagi ni Andi ang kaniyang mga travel vlogs pati na rin ang kaniyang everday life ngayon naka-qu@rantine.

The post Tignan ang buhay ngayon ng tinaguriang isa sa may pinakamagandang mukha sa radyo na si Andi Manzano appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments