Sinagot ni Dianne Medina ang netizen na nagsabing puro Tiktok na lang ang ginagawa ni Rodjun Cruz at umaasa na lang ito sa kita ni Dianne

“My husband is working really hard for me and baby Joaquin,” ito ang mariing sinabi ng aktres at host na si Dianne Medina upang pabulaanan ang espekulasyon ng mga netizen na umaasa lang sa kaniyang kinikita ang asawa at actor-dancer na si Rodjun Cruz.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram        

Nag-ugat ang isyung ito matapos mag-komento ang ilang netizens sa isang Instagram post ni Dianne noong August 18 kung saan ay inanunsyo ng aktres na may bagong show itong gagawin.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Caption ng post ni Dianne, “Work work work. Watch out for my new show. Thank you Lord…”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on

Sa Instagram post na ito ni Dianne ay may ilang netizens ang nakapagsabi na napapansin umano nilang maraming trabahong ginagawa si Dianne samantalang si Rodjun ay puro pagti-TikTok lang ang pinagkakaabalahan.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Ang TikTok ay isang sikat na video-sharing mobile app kung saan ay pwede kang gumawa ng 15 hanggang 60 segundong kanta, video, lip-sync, sayaw, comedy at talent.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Sinabi ng curious na netizen, “I noticed you’re the only one who keep working and your hubby just doing TikTok everyday.”

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Pagsang-ayon naman ng isa pang Instagram user, “Hahahaha same here”

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Bumwelta naman si Dianne sa mga pumupuna sa kaniyang asawa at ipinagtanggol nito.
“@maribethlayon my husband is working really hard for me and baby joaquin. hindi lang siya masyadong ma post hehe,” mariing sabi ni Dianne.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Espekulasyon pa ng Instagram user na pumuna kay Rodjun na baka wala na daw proyekto ang aktor.

Ngunit binigyan-diin ulit ni Dianne sa comment section ng naturang post na may bayad naman daw ang mga ginagawang TikTok videos ni Rodjun.

Nagreply si Dianne sa netizen at sinabing, “@maribethlayon may bayad tiktok nya and ig posts and he has a lot of endorsements humble lang kasi asawa ko.”

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Dagdag pa ni Dianne na bukod daw sa TikTok at Instagram ay kumikita rin ang aktor sa YouTube.

Credit: Dianne Medina-Ilustre Instagram

Sa kasalukuyan ay pitong buwang buntis na si Dianne at base sa mga post ng mag-asawa ay excited na silang masilayan ang kanilang first baby na si Joaquin. Bukod sa kaniyang mga endorsement project ay busy din sa kaniyang YouTube channel si Dianne.

The post Sinagot ni Dianne Medina ang netizen na nagsabing puro Tiktok na lang ang ginagawa ni Rodjun Cruz at umaasa na lang ito sa kita ni Dianne appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments