Dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez, ganap nang Carmelite nun at Sister Lourdes na ang tawag sa kanya ngayon

Ibinahagi ng sikat na entertainment news writer na si Lolit Solis sa kaniyang Instagram ang magandang balita na ang dating hinahangaang aktres noong dekada ’90 na si Chin Chin Gutierrez ay isa nang ganap na madre.

Credit: Chin-Chin Gutierrez Facebook    

Ibinalita ni Lolit sa isang Instagram post na isa na ngang ganap na madre ang dating aktres sa ilalim ng Carmellite order.

Credit: LolitSolisOfficial Instagram

Aniya, “Ang gandang balita na ngayon ay isa ng full pledged Carmellite nun si Chinchin Gutierrez.”

Ipinahayag din ni Lolit ang kaniyang paghanga kay Chin Chin dahil sa desisyon nitong iwanan ang makinang na mundo ng showbiz para paglingkuran ang Diyos.

“Magandang balita dahil mula sa glittering world ng showbiz heto si Chinchin Gutierrez isang mahusay na actress pero mas pinili ang spiritual growth,” pahayag ni Lolit.

Credit: Chin-Chin Gutierrez Facebook

Dagdag pa niya, “Isang mahusay na artista na mas pinili ang maging madre upang masilbihan ang spiritual needs ng tao.”

Sa kaniyang post ay binalikan din ni Lolit ang mga balita noon sa naging desisyon ni Chin Chin na talikuran ang showbiz para pumasok sa kumbento at paglingkuran ang Diyos.

“Nuon pa balita na pumasok si Chinchin sa kumbento, isang malaking hakbang papunta sa sisterhood at heto ngayon, isa ng madre ng Carmellite mission.”

Credit: Chin-Chin Gutierrez Facebook

Sa huli, isang panalangin ang hiling ni Solis mula kay Chin Chin lalo na’t mas kailangan daw natin ito ngayong maraming problemang kinakaharap ang mundo.

“Pray for us Sister Chinchin, iyan ang kailangan natin ngayon, ang dasal ng mga tulad mo. Pray for us,” pahayag ni Lolit.

Maituturing na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz noong dekada ’90 si Chin Chin.
Bukod sa kaniyang napakagandang mukha ay hinangaan din si Chin Chin dahil sa kaniyang natatanging galing sa pag-arte.

Credit: Chin-Chin Gutierrez Facebook

Maraming role na ginampanan ang aktres sa mga pelikula. Maging bida man o kontrabida ay maayos na nagagampanan ito ni Chin Chin. Kaya dahil dito ay marami siyang naiuwi na parangal.

Ilan lamang sa mga pagkilala na kaniyang natanggap ay mula sa Gawad Urian, First Asian Television Award, at Asian Television Award.

Credit: Chin-Chin Gutierrez Facebook

Kilala rin si Chin Chin bilang isang environmental activist at matatandaang taong 2003 ay naging laman ng balita si Chin Chin matapos siyang maging cover ng TIME Magazine Special issue at mapabilang sa listahan ng 2003 “Asian Heroes: They Made a Difference As They Made Us Proud”.

Ayon sa TIME, napili si Chin Chin “for using her fame to spread a message often ignored in the Philippines: there are natural resources aside from beauty and talent…”

Credit: Chin-Chin Gutierrez Facebook

Sa ngayon ay Sister Lourdes na ang tawag sa dating aktres matapos siyang maitalaga sa Carmellite convent.

The post Dating aktres na si Chin-Chin Gutierrez, ganap nang Carmelite nun at Sister Lourdes na ang tawag sa kanya ngayon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments