Kilalanin ang ilan sa mga artistang nag-ampon at minahal ang mga ito na parang tunay na nilang anak

Hindi na bago sa’tin ang makarinig ng mga balita tungkol sa pag-aampon ng mga sikat na artista. Sa Pilipinas, maraming sikat na artista rin ang nagsilbing bagong magulang sa kanilang mga adopted children. Alamin kung sino-sino sila.

 

Claudine Barretto

Credit: Claudine Barretto Instagram

Una sa listahan ay ang binansagang “Angelina Jolie ng Pilipinas” ng netizens na si Claudine Barretto.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Bilang bunso sa pitong magkakapatid na Barretto, hindi na nakapagtataka kung bakit malapit ang aktres sa mga bata.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Noong mag-asawa pa lang ang aktres na si Claudine Barretto at aktor na si Raymart Santiago ay inampon nila si Sabina Natasha. Mayroon din silang biological na anak na si Rodrigo Santino.

Credit: Claudine Barretto Instagram

Sa kasalukuyan ay dalawa na ang adopted children ni Claudine dahil sa kaniyang newly adopted son na si Noah Barretto.

 

Judy Ann Santos-Agoncillo

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Kilala si Yohan Santos-Agoncillo ng karamihan dahil sa mga adverstisement na kasama ang kaniyang Mommy na si Judy Ann.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bago pa magpakasal sina Judy Ann at Ryan ay inampon na ni Judy Ann si Yohan noong siya ay 26 years old pa lang. 28 years old si Judy Ann nang naging opisyal ang paga-adopt niya kay Yohan.

Credit: Judy Ann Agoncillo Instagram

Hindi naman naging hadlang sa relasyon ni Judy Ann at Ryan si Yohan dahil mahal rin ito ni Ryan. Sa katunayan, nang ikasal sila ni Judy Ann ay ina-dopt ni Ryan si Yohan para maging opisyal na ang pagiging Agoncillo nito.

 

Kristine Hermosa-Sotto

Credit: Kristine Hermosa Sotto Instagram

Si Kristian Daniel o Kiel ay ang panganay na anak ng mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Inampon ni Kristine si Kiel noong dalaga pa lang ito.

Credit: Kristine Hermosa Sotto Instagram

Ayon sa artikulong inilathala ng GMA Network ay ibinigay raw kay Kristine ang bata ng simbahang Victory Christian Fellowship kung saan siya miyembro.

 

Nora Aunor at Christopher de Leon

Credit: Lot-Lot de Leon Instagram

Sina Lotlot at Matet de Leon ay inampon ng dating mag-asawang Nora Aunor at Christopher de Leon.

Credit: Lot-Lot de Leon Instagram

Bago pa man ikasal si Superstar Nora Aunor kay Christopher de Leon, ay inampon nang Superstar si Lotlot de Leon. Samantala, ibinigay naman kay Nora ng kaniyang yumaong ina na si Antonia Cabaltera si Maria Teresa o mas kilala ng lahat sa palayaw nitong Matet.

Credit: Matet de Leon-Estrada Instagram

Taong 2018 nang dumagdag sa mga inampon ni Nora Aunor sila Kiko at Kenneth de Leon.

 

Sharon Cuneta-Pangilinan at Kiko Pangilinan

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Bukod sa dalawang biological na anak na nila Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na sina Frankie at Miel Pangilinan ay may adopted son din sila na si Miguel.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Pormal na ipinakilala si Miguel Cuneta-Pangilinan sa publiko noong 2012 kung saan dinaluhan ito ng mga sikat na artista at pulitiko sa Pilipinas.

The post Kilalanin ang ilan sa mga artistang nag-ampon at minahal ang mga ito na parang tunay na nilang anak appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments