Carmina Villarroel, nagulat at napasigaw sa surpresang inihanda sa kanya ng asawang si Zoren Legaspi at mga anak na sila Mavy at Cassy

Kahit na naka-qu@rantine ay walang makakapigil sa pamilyang Legaspi para ipagdiwang ang ika-45 na kaarawan ng kanilang ilaw ng tahanan na si Kapuso actress at TV host Carmina Villarroel-Legaspi.

Credit: GMANetwork YouTube

Hindi napigilan ng actress-host na mapasigaw sa tuwa dahil sa sorpresang inihanda ng kaniyang asawa at mga anak pati na rin ng kanilang mga kasambahay para sa kaniyang ika-45 kaarawan.

Credit: GMANetwork YouTube

Sa video na ibinahagi ng GMA Network sa YouTube ay makikitang naghahanda ang birthday celebrant para sa taping ng “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition”. Nang bumaba si Carmina at nakita ang sorpresang inihanda ng kaniyang pamilya, kitang-kita ang labis na tuwa sa mga mukha nito.

Credit: GMANetwork YouTube

Napa-wow at sigaw nalang si Carmina dahil sa mga party decor at cake na inihanda ng pamilya sa pangunguna ng kaniyang asawang si Kapuso actor Zoren Legaspi at mga anak na kambal na sina Cassy at Mavy.

Credit: GMANetwork YouTube

Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Carmina ang ilang larawan at video ng masayang selebrasyon ng kaniyang kaarawan.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Sa post ay nagpasalamat si Carmina sa lahat ng taong naglaan ng oras para batiin siya at sa kaniyang pamilya na todo effort para mabigyan siya ng isang maganda at masayang celebration kahit nasa bahay lang.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Sinabi ni Carmina sa IG post na, “Thank you so much for all those who took the time to greet me on my birthday.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Dagdag pa niya, “I feel so loved! Despite the qu@rantine, I had the best bday celebration ever. I love you my family! Thank you to my siblings. Thank you Tatay Zoren G. Legaspi Cassandra VL Maverick Peter I love you guys! bday surprise video will be up soon!”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Kabilang sa bumati sa aktres ay ang ilang kasamahan niya sa industriya kagaya nila Judy Ann Santos, Sylvia Sanchez at Pops Fernandez. Binati rin si Carmina ng fans at followers.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) on

Samantala, mapapanood pa rin si Carmina sa kaniyang Saturday lifestyle at cooking talk show na “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition” sa Kapuso network tuwing 10 ng umaga, kasama ang kaniyang mga anak na sina Cassy at Mavy bilang co-hosts at ang asawang si Zoren bilang direktor ng programa.

The post Carmina Villarroel, nagulat at napasigaw sa surpresang inihanda sa kanya ng asawang si Zoren Legaspi at mga anak na sila Mavy at Cassy appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments