Proud na ipinakita ng ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla ang kanyang malawak na palayan sa Nueva Ecija

Ang pagsasaka ay isa sa mga pangunahing hanapbuhay na ginagawa ng karamihan upang matustusan ang mga pangangailangan.

Credit: Rommel Padilla Instagram         

Ayon nga sa kasabihan, ‘Sa oras ng kagipitan, ang mga pananim sa bakuran ang siyang maasahan’.

Ganito inilarawan ng aktor na si Rommel Padilla ang malawak niyang palayan na matatagpuan sa probinsya ng Nueva Ecija.

Credit: Rommel Padilla Instagram

Nakilala si Rommel bilang isang mahusay na aktor at butihing ama sa anak nila ng dating asawang si Karla Estrada na si Daniel Padilla.

Credit: Rommel Padilla Instagram

Kamakailan ay masayang ibinahagi ni Rommel sa kanyang Instagram account ang kanyang lumalagong pananim mula sa malawak niyang palayan. Sinabi ni Rommel na isa ring hangarin niya na magkaroon ng saganang-ani upang matulungan ang bawat magsasaka.

Credit: Rommel Padilla Instagram

“‘PaLaY ay BuHaY’ DaLangin ko po NawaY maging HitiK sa bunga ang Lahat ng aming ipinunLa upang matustusan ang pangagailangan ng Pamilya at ang ating PamayaNan. Ang DIYOS ang siyang pinakaDakiLa!!! HaymabU!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq) on

Kaya naman nakipag-ugnayan ang aktor sa isang agri-technology company na kung saan ay magbibigay suporta upang palakasin ang bawat ani ng mga magsasaka.

Credit: Rommel Padilla Instagram

“Maraming saLamat po sa SL-Agritec at kay Kasakang Sir Joseph sa inyong suporta at Layuning palakasin ang Ani ng bawat Magsasaka!!! HaymabU! 🙏🇵🇭✌😎 #PaLaYayBuHaY #BuhaYsaKabukiraN
#UnaAngMagsasaka #.MabuhayNovoEcijanoS”

Credit: Rommel Padilla Instagram

Marami naman ang humanga at nagbigay ng kanilang kumento mula sa ipinakitang dedikasyon at adhikain ng aktor para sa kanyang mga kababayan.

Credit: Rommel Padilla Instagram

“We Salute You”

“Proud Novo Ecijano here ❤

“Salamat po sa pagtulong sa kanila ❤ stay safe po 💞

Credit: Rommel Padilla Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na pinasok din noon ni Rommel ang politika na kung saan ay nahalal siya bilang congressman ng unang destrito sa Nueva Ecija.

Muling tumakbo ang aktor noong nakaraang eleksyon ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na sya pinalad na manalo.

Credit: Rommel Padilla Instagram

Sa kabila man ng pagiging abala ni Rommel sa kanyang palayan ay naging abala din siya ngayon sa kanyang ginagawang teleseryeng A Soldier’s Heart na kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Dante Marasigan.

The post Proud na ipinakita ng ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla ang kanyang malawak na palayan sa Nueva Ecija appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments