Kris Aquino, ikwinento ang unang pagkikita nila ni Idol Raffy Tulfo sa kanyang pagpasok sa TV5

Ginulat ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino ang mundo ng social media matapos itong magpost ng video sa kaniyang Instagram account. Sa bidyu na inupload ni Kris, ibinahagi niya sa kaniyang mga fans at followers ang kaniyang pagbabalik matapos ang apat na taon na hindi pagpapakita sa telebisyon. Ito ang ang magiging unang proyekto ni Kris sa TV5 network.

Credit: Kris Aquino Instagram       

Ipinahayag ni Kris sa bidyu na handa na siyang kalimutan ang kaniyang nakaraan, kasama rito ang mga pagkakamali at pagkukulang na kaniyang nagawa. Sa kaniyang Instagram post na may caption na, “Thanks to ALL OF YOU, I’m starting MY NEW BEGINNING”, nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng naniwala at sumuporta sa kaniya.

Credit: Kris Aquino Instagram

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Hindi lubos akalain ng aktres na makakabalik pa siya sa industriya. Ayon sa kaniya, dumating siya sa puntong naniwala siya sa maraming pagdududang natanggap niya mula sa mga tao. Ayon pa kay Kris ay hinintay niya ang pambihirang pagkakataon na makabalik sa showbiz at talagang pinaghandaan niya ito.

Credit: Kris Aquino Instagram

Sa isa pa niyang IG post, ipinahayag ni Kris ang kaniyang kasiyahan dahil sa buong pusong pagtanggap ng TV5 sa kaniya, lalo na ang tinaguriang, “The King of Public Service” na si Raffy Tulfo, at ang mga staff nito.

Credit: Kris Aquino Instagram

Sa bidyu, makikita ang paghaharap ng dalawa sa loob ng TV5 studio sa Mandaluyong City. Ikwenento pa ni Kris na personal na bumati sa kaniya si Raffy Tulfo, at tahasang pinuri ang kaniyang kagandahan.

Credit: Kris Aquino Instagram

 

View this post on Instagram

 

The King of Public Service @raffytulfoinaction made me feel so welcome… i’m very much aware kung sino lang po ako sa mundo ng Tv5 (baguhan na maraming dapat patunayan) and that he is their reigning king (not to mention the fact that he is the 🇵🇭 King of YouTube). But, Raffy & his kind staff lent me his dressing/conference room and told me to feel free to use it anytime i’m in the compound. They also lent his studio for my promo shoot. And he went out of his way to come down when he knew patapos na ko so that we could meet face to face… kahit alam ko naman fina-flatter lang nya ko when he said “mas magandang maganda ka sa person” – hindi nya kinailangan to be nice to me that’s why it was all the more appreciated. P.S. i really wasn’t going to post our face to face meet up, but nakita ko that they had kaya i felt okay na to upload so that i could also tell all of you that if 1st impressions really matter- sobrang mas napahanga ako sa pagka gentleman & sa generosity ni Raffy Tulfo.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Binigyang diin ni Kris sa kaniyang post ang pagiging maginoo at mapagbigay ng batikang mamamahayag at sikat na YouTuber. Dagdag pa niya, talagang hinahangaan niya si Raffy Tulfo dahil sa pagiging beterano nito at pagtatanggol nito sa mga kababaihan.

Credit: Kris Aquino Instagram

Naging mapagkumbaba naman si Kris, at sinabi na siya ay “baguhan na marami pang dapat patunayan” sa mundo ng TV5.

Credit: Kris Aquino Instagram

Maraming nag-react at nagkomento sa IG post ng aktres. Kabilang sa nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa pagbabalik ni Kris ay sina Anne Curtis at Ogie Alcasid, na dating kasamahan sa trabaho ng aktres noong siya ay nasa Kapamilya network pa.

Credit: Kris Aquino Instagram

Malapit nang umere sa telebisyon ang kaniyang bagong show ngunit wala pang sinabi si Kris kung kailan ito.

The post Kris Aquino, ikwinento ang unang pagkikita nila ni Idol Raffy Tulfo sa kanyang pagpasok sa TV5 appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments