Pinabilib ni Michael Pacquiao ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa kanyang ginawang orihinal na awit at pagra-rap

Pinabilib ng anak ni Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao ang netizens matapos nitong ipamalas ang kaniyang galing sa pagra-rap nang mag-perform ito ng kaniyang orihinal na kantang “Hate” sa Wish 107.5 bus.

Credit: Wish 107.5 YouTube 

Isa sa mga pumuri kay Michael ay ang sikat na bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Credit: Michael Pacquiao Instagram

Ayon sa Twitter post ni Chito sinabi niyang, “Ayus din yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a…nakakabilib. Orig nya ba yun? Kung oo, sobrang astig. Kung hindi, ok lang…ang galing nya pa rin.”

Credit: Chito Miranda Instagram

Sa Twitter post ni Chito ay nagkomento rin ang sikat na Pilipino rapper at isa sa mga unang nagpasikat ng Fliptop sa Pilipinas na si Dello Gatmaitan o A.K.A Dello the Rebuttal King. Aniya, “orig niya. ang astig din talaga.”

Credit: Chito Miranda Instagram

Maraming netizen din ang nagkomento sa naging tweet na ito ni Chito. Hiling nila na magsama sa isang kanta sina Chito at Michael sa hinaharap.

“Idol chito sana magkasama kayo ni michael pacquiao sa isang malupit na kanta soooonnn”

“I smell collab”

Credit: Michael Pacquiao Instagram

“collab parokya feat. michael Pacquaio”

“Pwede naba i-collab sir?”

Orihinal na komposisyon ni Michael ang kinanta niyang “Hate” na kabilang sa kaniyang album na “Dreams” na may 11 na kanta na siya mismo ang sumulat at nagproduce.

Credit: Michael Pacquiao Instagram

Sa isang balita ng ABS-CBN, ikwenento ng up-and-coming rapper na hindi niya inaasahan na papatok sa netizens ang kaniyang performance.

Credit: Wish 107.5 YouTube

“I didn’t expect it. I was just really happy to be in the Wish bus and performing there. I didn’t expect that this is gonna be a hit. I just chose the song Hate because at least l’ll let that out. I’ll let everyone know that nothing can stop me,” ani ni Michael.

Credit: Michael Pacquiao Instagram

Samantala, pumalo na sa 8 million views ang Wish 107.5 bus performance ni Michael sa YouTube kung saan marami ang nakapagsabing may future si Michael hindi lang sa local music industry pati na rin sa international scene.

Credit: Michael Pacquiao Instagram
Credit: Michael Pacquiao Instagram

Nagsimulang gumawa ng ingay sa mundo ng musika ang 18 taong gulang na pangalawang anak nina boxing champ-senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao nang nakipag-collaboration ito sa kaniyang kaibigan at kapwa rapper na si Michael Bars sa nagviral ding kanta na Pac-man.

The post Pinabilib ni Michael Pacquiao ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda sa kanyang ginawang orihinal na awit at pagra-rap appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments