Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nagkaroon ng mabilisang bakasyon sa isang napakagandang resort sa Batangas

Isang masayang Batangas trip ang ibinahagi ni Kathryn Bernardo kasama ang kasintahan na si Daniel Padilla at kanyang pamilya noong July 26, na siyang mapapanuod sa YouTube channel ng aktres na ‘Everyday Kath’.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram           

Mula sa kanilang naging short vacation ay nakasama rin ang mga alagang aso ni Kath upang mag relax at mag-unwind kasama nila.

Credit: Everyday Kath YouTube

Pagdating sa resort ay ipinakita ng aktres ang pagsunod nila sa tuntunin ng resort kung saan sumailalim sila sa rapid testing. Masayang ipinakita ni Kat ang naging resulta ng kanilang isinagawang test na agad naman niya ipinakita ang negatibong resulta nito.

Credit: Everyday Kath YouTube

Sa mga kuha ni sa video ni Kath ay mabibighani ka sa ganda ng lugar sa The Farm at San Benito na matatagpuan sa Lipa City, Batangas na siyang napiling lugar nila Kath para sa kanilang tatlong araw na bakasyon.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

Unang araw palang ay makikita na na nageenjoy ang sila. Ipinakita pa ni Kath sa video ang masayang pagswimming ni Daniel kasama ng kanyang pamangkin.

Credit: Everyday Kath YouTube

Sa ikalawang araw ng kanilang Batangas trip ay hindi maaaring mawala ang workout routine ni Kath na kung saan ay makikitang naghanda ito ng yoga mat at sliders na kanyang gagamitin para sa online class workout nito.

Credit: Everyday Kath YouTube

Isang masarap na dinner naman ang pinagsaluhan nila ni Daniel na ayon sa kanya ay nabusog ito mula sa kinain nilang fish, pasta at bread snapper.

Credit: Everyday Kath YouTube

Sa kanilang pag-uwi matapos ang Batangas trip ay sinigurado naman ni Kath ang safety ng kanyang mga aso na isa sa mga pet peeve nito ay dapat malinis ang mga aso na ayon umano sa kanya ay “no dirty clothes before going to bed”.

Credit: Everyday Kath YouTube

Ibinahagi naman ng aktres ang mga natanggap nitong giveaways mula sa ginawa nilang health treatment upang mas palakasin ang kanilang immune system at ang plano nila ni Daniel na magpa-kidney cleansing sa susunod na pagbalik ulit nila ng Batangas.

Credit: Everyday Kath YouTube

Sa pagtatapos ng kanyang video ay ipinasilip din ni Kath ang naging paghahanda ng kanyang team at ang mga naganap sa naging pictorial nito para sa isang clothing line na iniendorso niya.

Credit: Everyday Kath YouTube

The post Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, nagkaroon ng mabilisang bakasyon sa isang napakagandang resort sa Batangas appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments