Tignan ang nangyari nang subukan ni Ivana Alawi na maging mommy sa loob ng isang araw

Isa sa mga nagbibigay saya ngayon sa mundo ng social media ay ang 23-year old na vlogger at artistang si Ivana Alawi na sumikat dahil sa kaniyang nakakatuwang prank videos at mga ginagawang challenge sa YouTube.

Credit: Ivana Alawi YouTube        

Bukod sa taglay na kagandahan ni Ivana na bumihag sa mga kalalakihan at nagpahanga sa mga kababaihan, naaaliw din ang netizens sa kaniya dahil sa pagiging simple at walang arte nito sa kaniyang mga YouTube video.

Sa latest video na inupload ni Ivana sa YouTube ay kakaibang Ivana ang mapapanuod ng netizens.
Sa bagong video kasi ni Ivana na pinamagatang “MAMA FOR A DAY”, masasaksihan ng netizens kung paano nga ba maging ina at mag-alaga ng bata ang isang Ivana Alawi sa loob ng isang araw.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ipinakilala ni Ivana si Baby Gabriel bilang latest addition sa kanilang pamilya. Bukod kasi sa dalawa niyang kapatid na sina Hashim at Mona na palaging nakikita sa kaniyang mga video ay may nakakatandang kapatid pa si Ivana na si Amira Alawi na siyang ina ni Baby Gabriel.

Sa unang bahagi ng video, makikitang pinanggigilan ni Ivana si Baby Gab dahil sa pagiging cute at adorable nito.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kagaya ng mga tunay na Mommy ay maraming naisip na gawin si Ivana para aliwin si Baby Gab na halata ang pagiging malikot at makulit.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Inihalintulad pa ni Ivana si Baby Gab sa isang uod dahil sa pagiging malikot nito, isang bagay na halatang nahihirapan si Ivana habang inaalagaan ang pamangkin.

Sa kalagitnaan ng video, ikwenento ni Ivana ang pagkakaiba niya bilang bata kay Baby Gab at sa ibang bata ngayon.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ayon sa kaniya, mas hilig daw ng mga bata ngayon na gumamit ng gadget at manuod ng YouTube hindi katulad niya na mas gugustuhing maglaro ng buhangin noong bata pa siya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nag-mukbang din si Ivana at Baby Gab. Habang nagpapakain si Ivana kay Baby Gab, sinabi nito sa kaniyang Mama na mukhang ready na siyang magkaroon din ng sariling baby. Pabiro namang sinabi ni Mona na magka-jowa muna raw ang ate Ivana niya bago maghangad ng anak.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nakakatuwa ring makita si Ivana na pinapatahan si Baby Gab dahil umiyak ito sa biglaang vocalization na ginawa ni Ivana habang sila ay naglalaro.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa huling bahagi ng video, pinuri ni Ivana ang lahat ng mga single mom na gaya ng kaniyang ate dahil mag-isa nilang inaalagaan at itinataguyod ang kanilang mga anak.

Aniya, “Sobrang humahanga ako sa mga single mom. Ang galing n’yo. Ang hirap mag-alaga ng bata na ikaw lang…Also in general, sa lahat ng nanay, the best kayo, kasi taking care of a child is no joke.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Samantala, umabot na sa higit 3 million views ang YouTube video na ito ni Ivana sa loob lamang ng dalawang araw.

The post Tignan ang nangyari nang subukan ni Ivana Alawi na maging mommy sa loob ng isang araw appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments