Panoorin ang nakakatuwang kulitan ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff habang nagluluto ng Omelette

Maraming netizens ang nagutom sa bagong YouTube food vlog ng chef, businessman at restaurateur na si Erwan Heussaff kung saan ay ibinida niya ang kaniyang super fluffy, French, at Filipino omelette recipes.

Credit: Anne Curtis Instagram 

Mas naging espesyal din ang vlog dahil sa appearance ng kaniyang napakagandang asawang si Kapamilya actress-host Anne Curtis. Bukod kasi sa French, Souffle at Tortang talong omelette recipe na ibinahagi ni Erwan sa vlog ay hinayaan din nitong magluto ang kaniyang misis ng sarili nitong bersyon ng omelette na Ham and Cheese omelette.

Credit: Erwan Heussaff YouTube

Sa unang bahagi ng video ay ipinakita ni Erwan kung paano lutuin ang French omelette.

Sa vlog ay ikinuwento rin ni Erwan na paborito niya ang itlog. Ito raw kasi ang madalas niyang kainin noong nag-aaral pa siya sa France, na kilala rin sa kanilang mga masasarap na omelette. Sa katunayan ay umabot na sa 18 to 20 egg recipes ang nagawa ni Erwan sa kaniyang channel.

Credit: Erwan Heussaff YouTube

Samantala, sa kalagitnaan ng kaniyang pagluluto ng French omelette ay makikita ang biglang pagpasok ni Anne sa kusina. Napatigil naman si Erwan sa pagluluto at natatawang sinabi kay Anne na nakikita siya sa camera.

Credit: Erwan Heussaff YouTube

Bilang reaksyon sa sinabi ng mister ay nag-pose lang si Anne sa camera. Kapansin-pansin sa aktres ang pagiging blooming nito. Seksing-seksi si Anne na nag-pose sa video bagay na napansin ng netizens.

Credit: Erwan Heussaff YouTube

Nagpatuloy ang kulitan ng mag-asawa nang si Anne na ang magluluto ng kaniyang Ham and Cheese omelette.

Habang inihahanda ni Anne ang lulutuing itlog ay maririnig sa background na tinatanong ni Erwan si Anne kung kailan ang huling beses na nagluto ito ng omelette.

Credit: Erwan Heussaff YouTube

“When was the last time you made an omelette? You don’t even remember?”, tanong ni Erwan sa misis.

“No, when I was pregnant,” sagot naman ni Anne.

Credit: Erwan Heussaff YouTube

“Why are you judging me?” tanong ni Anne kay Erwan habang naghihiwa siya ng mga gulay na ihahalo niya sa kaniyang omelette.

Depensa naman ng mister, “No. I’m not.”

Sabi naman ni Anne na, “I know you.”

Credit: Erwan Heussaff YouTube

Hindi naman napigilan ni Anne na mapaluha habang naghihiwa ng sibuyas. Dahil sa reaksyon ni Anne, pabirong nagtanong si Erwan kung unang beses ba daw nitong maghiwa ng sibuyas. Bagay na pinabulaanan ni Anne.

Sa kanilang bahay muna sa Melbourne, Australia pansamantalang kinukunan ni Erwan ang kaniyang mga YouTube food vlog dahil hindi pa ito nakakauwi sa Pilipinas simula noong February dahil sa p@ndemya.

Credit: Anne Curtis Instagram

Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang vlog na ito ni Erwan na umabot na sa mahigit 1 million ang views sa loob lang ng 3 araw.

Narito ang ilang komento ng netizens.

“Yo not gonna lie, Anne’s ham and cheese looks reaally good.”

Credit: Anne Curtis Instagram

“Maaaaan, Anne is so beautiful especially for someone who’s now a mother.”

“FINALLY A VLOG WITH THE WIFEYY”

The post Panoorin ang nakakatuwang kulitan ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff habang nagluluto ng Omelette appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments