Ipinakita ni Zsa Zsa Padilla ang ipinapagawa nila ng partner niya na napakalaking rest house na may bonggang amenities sa probinsya ng Quezon

Ipinasilip ng aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla sa kaniyang YouTube channel ang ipinapagawang rest house nila ng kaniyang partner na si Architect Conrad Onglao. Ang rest house na ipinapagawa nila ay nasa probinsya ng Lucban, Quezon at pinangalanan nila itong Casa Esperanza.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube                 

Dalawang oras at 20 minuto mula sa lungsod ng Makati ay matatagpuan ang 2-hectare property nina Zsa Zsa at Conrad sa gitna ng art capital ng Quezon Province, Barangay Piis, Lucban.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Para sa mga hindi nakakaalam kaya pinangalanang Casa Esperanza ni Zsa Zsa ang kanilang rest house ay dahil hango ito sa kaniyang tunay na pangalan na Esperanza.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Pagpasok sa gate ng rest house ay agad na bubungad ang luntiang landscape kung saan ay may walkway ito na gawa sa maliliit na graba.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Bilang isang arkitekto ay ipinaliwanag naman ni Conrad ang kabuuang disenyo ng resthouse.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

“The architectural design is modern rustic farmhouse,” paliwanag ni Conrad.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Dagdag niya, “Rustic because we use recycled yakult wood. Modern would be the glass walls and roofing. The roofing is a pre-formed batten type long span inspired by the black roofings from New Zealand.”

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

“Our decorating appointments accessories and artifacts are mostly asian items collected through the years,” ani Conrad.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Idinagdag pa niya na, “The garden plants are mostly what’s indigenous to the area.”

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Sunod na ipinakita ni Zsa Zsa ang Pavilion ng Casa Esperanza. Makikita sa video na under construction pa ang Pavilion ngunit ipinakita naman ni Zsa Zsa kung ano magiging disenyo ng Pavilion.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Sa Pavilion, makikita ang isang rockwall, wrap around balcony, glass partitions, small showcase kitchen na ipinasadya pa umano ni Conrad para sa mga cooking vlog ni Zsa Zsa. Excited naman ang actress-singer na gumawa na mga farm to table vlogs.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Napakaganda naman ng gitna ng Pavilion na magsisilbing receiving area ng Casa Esperanza kung saan mula rito ay matatanaw ang salt-water swimming pool, center pond, pati na rin ang mga Casa at tatlong Casitas.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Naisip naman na maglagay nila Zsa Zsa ng Koi Pond malapit sa kanilang retaining wall.

Kumpleto rin sa mga facilities ang rest house. Mayroon itong powder room, industrial kitchen, staff rooms, driver’s quarters, four bathrooms at showers, pati manager’s office.

Naglagay din sila ng brick oven kung saan pwedeng magluto ng pizza ang mga guest. Mayroon din itong fireplace na perfect kung malamig ang gabi at gusto tumambay ng mga bisita sa labas.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Matatagpuan naman sa gitna ng malaking Lily pond ang isang meditation area na perfect para mag-yoga, magdasal at magpamasahe.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Makikita naman sa Greenhouse ng rest house ang isang chandelier pati na rin isang 8-seater old repurposed wood dining table.

Credit: Zsa Zsa Padilla YouTube

Samantala, hindi pa natatapos ang paggawa ng resthouse nina Zsa Zsa at nasasabik na siyang ibahagi sa publiko ang final look ng Casa Esperanza.

The post Ipinakita ni Zsa Zsa Padilla ang ipinapagawa nila ng partner niya na napakalaking rest house na may bonggang amenities sa probinsya ng Quezon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments