Marami ang natuwa sa ipinost na unang Tiktok video ni Dawn Zulueta na kasama ang anak na si Ayisha

Hindi na nagpahuli ang aktres at host na si Dawn Zulueta na gawin ang isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng mga Pinoy habang naka-qu@rantine at nasa bahay – ang pagti-TikTok.

Credit: Dawn Zulueta Instagram   

Sa Instagram ng aktres ay ibinahagi niya ang kanilang TikTok video ng kaniyang 11 taong gulang na anak na si Ayisha Madlen Lagdameo na umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Kumasa ang mag-ina sa “Dolphin Line Challenge” na isa sa mga sikat ngayon na dance challenge sa mobile app na Tiktok.

Sa video ay napaka-cute ng mag-ina habang tumatalon at sumasayaw sa kantang “Hot Girl Summer” ng rapper na si Nick Thompson.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Aniya pa ni Dawn sa Instagram caption ng post na isa sa mga nakakatulong upang maibsan ang stress ngayong may p@ndemya ay ang paggawa ng mga nakakatawang bagay.

“These are stressful times…Take the edge off , do something silly,” ani ng actress-host sa caption ng Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta) on

Kagaya ng ilang artista ay naging bonding din nila Dawn at Ayisha ang paggawa ng mga TikTok videos lalo pa’t mahilig si Ayisha na sumayaw. At dahil mukhang nagustuhan ng netizens ang TikTok dance challenge na ito nila Dawn at Ayisha ay inaabangan na ng mga netizen kung kailan ulit ang susunod na TikTok video ng mag-ina.

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa TikTok video nila Dawn at Ayisha.

“soooo adorable”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

“HAHAHAHAHAHAHA ANG KYOT TALAGA YUNG ANG FOCUS NI AYISHA SA SAYAW NUNG UNA TAS BIGLANG LUMUSOT SI MAMA”

“Maaaa gawa ka na rin pong tiktok”

“AHAHA! ang cutee nyo mama treasure every moments with ur babie”

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Samantala, ilan pa sa mga pinagkakaabalahan ng aktres ngayong quarantine period ay ang pag-aalaga ng kaniyang garden.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Bukod pa rito ay mahilig din manahi si Dawn. Sa katunayan, ngayong nasa bahay lang ang aktres ay nakagawa na ito ng maraming tapestry gamit ang iba’t ibang desenyo na ibinabahagi niya sa kaniyang Instagram.

Credit: Dawn Zulueta Instagram

Hindi rin pinapabayaan ng aktres ang kaniyang kalusugan at sinisugarado nitong malakas ang kaniyang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at pag-eehersisyo.

The post Marami ang natuwa sa ipinost na unang Tiktok video ni Dawn Zulueta na kasama ang anak na si Ayisha appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments