Isa sa mga kinahuhumalingan ng publiko ay ang mga sikat na koreanovela o mas kilala sa tawag na K-Drama na mapapanuod ngayon sa iba’t ibang mga online platform. Maging ang mga artistang pinoy ay sinusubaybayan ang mga K-Drama dahil sa galing ng mga gumaganap sa istorya at dahil na rin sa ganda ng takbo ng mga istorya.
Maraming K-Drama ang nai-release ngayong taon at talaga namang pinag-usapan mula sa mga intense at nakakakilig na eksenang mapapanuod mula dito. Ito ang listahan ng ilan sa mga sikat at pinag-uusapang K-Drama ngayon dahil sa ganda ng istorya at galing ng mga cast sa pag-arte:
Crash Landing On You
Ang Crash Landing On You ay isang romantic comedy drama na tungkol sa isang mayamang babae mula sa South Korean na si Yoon Se-ri na nakatakdang gampanan ang kanyang tungkulin bilang chairman sa kompanya ng kanyang ama.
Habang nagpaparagliding si Yoon Se-ri ay nagkaroon ng ipo-ipo at dahil dito ay napadpad siya sa North Korea. Dito niya nakilala ang isang North Korean army officer na si Ri Jeong-hyeok. Napaka-intense ng mga naging eksena lalo na habang iligal na namamalagi si Yoon Se-ri sa North Korea.
Ka-abang-abang sa istorya kung ano ang mangyayari sa love story ng isang babaeng taga South Korea at lalaking taga North Korea.
It’s Okay Not To Be Okay
Ang It’s Okay Not To Be Okay ay isang romantic comedy drama na tungkol sa isang pyschiatric caregiver na si Moon Gang-tae na ang laging inuuna ay ang nakakatandang kapatid na may special needs na si Moon Sang-tae.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkrus ang landas ni Moon Gang-tae at sikat na fairytale writer na si Ko Mun-yeong. Dahil dito ay nagbago ang takbo ng buhay ni Moon Gang-tae at maraming mga nabuksang mga isyu sa buhay ng mga karakter sa istorya.
Ka-abang-abang ang kakaibang love story ni Moon Gang-tae at Ko Mun-yeong at kung paano nila mapagtatagumpayan ang mga bangungot ng kanilang mga nakaraan.
Itaewon Class
Ang Itaewon Class ay isang korean drama tungkol sa isang ex-c0nvict na si Park Saeroyi na dumaan sa iba’t-ibang klase ng pagsubok nang maaks!denta at pum@naw ang kanyang ama.
Habang nasa piitan ay ginawang motibasyon ni Park Saeroyi na mabigyang hustisya at maipaghiganti ang kanyang ama mula sa naka-sag@sa sa kanya.
Pagkatapos ng ilang taon ay tuloy-tuloy pa rin si Park Saeroyi para maisakatuparan ang kanyang layunin kaya nagtayo siya ng maliit na bar-restaurant sa Itaewon at ginawa ang lahat para pabagsakin ang negosyo ng ama ng pum@slang sa kanyang ama.
Ito ay ilan lamang sa maraming magagandang K-Drama na pwede mong subaybayan habang nanatili sa bahay.
The post Ito ang ilan sa mga kasalukuyang sikat na K-Drama na hindi mo dapat palampasing panoorin at subaybayan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments