Nagbigay ng espesyal na surpresa si Kathryn Bernardo sa kanyang fans bilang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanyang YouTube channel

Sinurpresa at pinasaya ni Kapamilya star Kathryn Bernardo ang ilan niyang fans at subscribers sa kaniyang “Unboxing YouTube Playbuttons and Prank-Calling Subscribers” episode. Ito ay bilang bahagi ng kaniyang selebrasyon sa pagkamit ng kanyang YouTube channel na “Everyday Kath” ng 100,000 at 1 million subscribers.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram 

Excited na ibinahagi ni Kath sa kaniyang fans at subscribers na natanggap na niya ang kaniyang Silver at Gold playbuttons.

Credit: Everyday Kath YouTube

Sa kaniyang Instagram story, ibinalita ni Kath sa fans na magkakaroon siya ng giveaway ngunit hindi alam ng kaniyang fans na ang aktres mismo ang tatawag sa kanila sa pamamagitan ng prank-calling para ipaalam na nanalo sila.

Credit: Everyday Kath YouTube

Limang winners ang napili ni Kath at sila ay nagmula sa Davao, Cebu, Cavite, Pampanga at Quezon City. Ang limang maswerteng fans ay tatanggap ng tig-iisang giveaway box na may lamang iba’t ibang produktong ini-endorse ni Kathryn. Sila rin ang magiging b!ktima ng aktres sa kaniyang prank-calling.

Credit: Everyday Kath YouTube

First time mag-prank ni Kath kaya’t aminado itong kinakabahan siya. Hindi rin maiwasan ni Kath na matawa habang tinatawagan ang mga fan dahil sa kaniyang pagpapanggap bilang delivery girl, masahista, classmate at cleaner.

Hindi inaasahan ng fans ni Kath na mapipili sila bilang winner. Ayon sa kanila, gusto lang umano nilang maiparating ang kanilang mensahe at pagmamahal kay Kath bilang kanilang iniidolo.

Credit: Everyday Kath YouTube

“I just want you to know na kung gaano ako napapasaya ng vlogs at ginagawa n’yo. I’ll support you and Kuya DJ no matter what and I’m so proud to the both of you, ate. You’ve been an inspiration to me and my co-fan for so many years. You deserve all the love and support. I love you so much…”, mensahe ng isang fan ni Kath.

Ito naman ang mensahe ni Kath sa kaniyang fans na patuloy na sumusuporta sa kaniyang YouTube channel simula nang magumpisa ang kaniyang channel noong January 3, 2020.

Credit: Kathryn Bernardo Instagram

“I made a channel for you to get to know me more…because I want you to see my life behind the camera…Sana through my channel mas makilala n’yo pa ako.. more than just Kathryn the artista, but Kath as a daughter, as an aunt to Maxine, as a girlfriend…Kath as a normal person.”

“Just Everyday Kath. Sana mas marami pa akong mapasaya na tao through my videos and also thank you for being patient with me kasi alam n’yo naman na bago ‘to sa’kin… I’m excited to continue this journey with all of you…I promise to give you more content na authentic, very me, and something that you don’t get to see on TV.”

Para sa isang YouTuber, isang karangalan ang pagkakaroon ng mga YouTube playbutton dahil ito ang tanda na marami ang sumusuporta sa kanilang channel.

The post Nagbigay ng espesyal na surpresa si Kathryn Bernardo sa kanyang fans bilang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanyang YouTube channel appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments