Mga netizen, naaliw sa video call ng anak nina Pokwang at Pauleen Luna na sina baby Malia at baby Tali

Sa kabila ng mga ipinapatupad na community qu@rantine dahil sa p@ndemya, hindi napigilan ang anak ni Pokwang na si baby Malia at anak ni Pauleen Luna-Sotto na si baby Tali na magkita at magkausap kahit na sa pamamagitan lamang ng isang video call.

Credit: @itspokwang27 Instagram       

Sa Instagram video na ibinahagi ni Pokwang, mapapanuod ang dalawang 2-year old na bata na bumabati sa isa’t isa.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Sa katunayan, nagkahiyaan pa ang dalawang paslit na kausapin ang isa’t isa marahil dahil hindi pa sila nagkikita sa personal. Supportive mommies naman sina Pokwang at Pauleen dahil sila na mismo ang nagtulak sa dalawa na makipag-hi at ipakilala ang kanilang sarili sa isa’t isa.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Bilang isang magulang wala nang mas isasaya pa kapag nakita mo ang iyong anak na masayang naglalaro at ine-enjoy ang kaniyang pagkabata. Kaya ang tanging hiling ni Pokwang ay bumalik na sa ayos ang lahat kung saan ang mga bata katulad ng kaniyang anak at iba pang bata ay malayang nakakapaglaro at ine-enjoy ang kanilang kabataan.

Credit: Pauleen Luna-Sotto Instagram

Sa post ni Pokwang ay sinabi niya na, “Lumiit man ang mundo nyo mga batang paslit dahil sa p@ndemia na ito, makakaasa kayo kaming mga magulang ninyo ay di titigil sa panalangin na balang araw magkikita kayo at muling tatakbo at magkakayakap, dahil karapatan nyong maranasan at ma enjoy ang pagiging paslit sa isang mundong ligtas para sa mga anghel na naghahatid ng ngiti na kagaya nyo.”

Credit: Pauleen Luna-Sotto Instagram

Nagkomento naman ang ilang netizens dahil sa kacute-an nina Malia at Tali. May ilang netizens pa ang nagsabing isama raw si Zia, ang anak ng aktres na si Marian Rivera at aktor na si Dingdong Dantes, sa susunod na video call ng dalawa para mas masaya.

Credit: Marian Rivera Instagram

Ayon sa isang Instagram user, “Next time join Zia also para lalong masaya all cuteees and witty girls.”

Si Malia Francine O’Brian ay anak ng aktres at komedyanteng si Pokwang sa aktor at negosyanteng si Lee O’Brian.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Habang si Talitha naman ay ang unang anak ng mag-asawang Pauleen Luna at bosing Vic Sotto.

Credit: Pauleen Luna-Sotto Instagram

Samantala, magsisimula na ngayong August 17 ang morning show ng TV5 na Chika, BESH! Basta Everyday Super Happy, kung saan ay magsasama bilang co-hosts sina Pokwang, Pauleen at ang aktres na si Ria Atayde.

The post Mga netizen, naaliw sa video call ng anak nina Pokwang at Pauleen Luna na sina baby Malia at baby Tali appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments