Eric Fructuoso, nagviral dahil inakalang nagtatrabaho ngayon bilang tricycle driver dahil sa kanyang social media post

Kamakailan lang ay nagtrending ang aktor at dating miyembro ng the “Gwapings” na si Eric Fructuoso dahil sa kanyang post sa social media kung saan makikita siyang nakaupo sa isang tricycle.

Credit: @eric.fructuoso Instagram     

Ang post niya na yun ay mayroong caption na “Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!”

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Dahil sa kanyang post ay maraming nag-akalang nagtatrabaho siya bilang tricycle driver ngayong panahon ng p@ndemya para pantustos sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Marami din ang nagparating ng paghanga sa aktor dahil dito.

Ngunit matapos magtrending ng kanyang pangalan ay nilinaw ni Eric na hindi siya nagtatrabaho ngayon bilang isang tricycle driver.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Eric na hindi totoong nagtatricycle siya sa Naic, Cavite.

“Hindi po totoong namamasada ako ng trike sa Naic, Cavite… Dine ako sa Lipa, Batangas namamasada mas malaki ang kita! Akalain mong p200 ispesyal hanggang Rowbeensons?”

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Ang post na ito ni Eric ay umani ng iba’t ibang komento mula sa kanyang mga follower.

“Hypebeast na tricycle driver naka jordan 11”

“Kaloka ang balita”

Credit: @eric.fructuoso Instagram

“Sabi ko na nga ba eh dami mapepeke sa post mo boss erick”

Sa isa pang post ni Eric ay sinabi niya na dapat hindi maliitin ang mga tricycle driver. Ikwinento ni Eric na noong nag-garage sale siya ay mga tricycle drivers ang bumili ng mga branded niyang mga gamit.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

“Huwag niyo po ismall-in ang mga tricycle drivers. May kumpare akong trike driver sa BF Homes at nung nag garage sale ako dati e yung mga kasamahan niyang trike drivers na tropa ang bumile ng mga Ralph Lauren at Ferragamo ko. Kaya nga “barya lang sa umaga” dahil buo buo pera nila 🤙

Nagjoke din ang aktor na hindi na pala niya kailangang maglabas ng cle@vage para magtrending.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

“Hindi ko pala kelangan clumeavage para mag trending”

Kasama si Eric sa cast ng hit na serye na Kadenang Ginto na pinagbibidahan nila Dimples Romana, Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea Brillantes, at Albert Martinez.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Si Eric ay kasal sa isang non-showbiz na babae at biniyayaan sila ng apat na anak. Meron ding isang anak si Eric sa kanyang dating asawa.

The post Eric Fructuoso, nagviral dahil inakalang nagtatrabaho ngayon bilang tricycle driver dahil sa kanyang social media post appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments