Van Ybiernas | President Rodrigo Duterte CTTO |
The historian professor then analyzes the supposed oppositions' objectives on why they keep blaming the government and make it look incompetent.
Anti-Duterte Protesters | CTTO
|
"Ano daw ang plano sa Covid?
Hahaha.
Hindi nyo ba napapansin na iyan ang paulit ulit na tinatanong ng mga kontra-Duterte?
Ang objective nila ay pagmukhaing incompetent ang gobyerno, kasi nga wala daw plano. Hindi alam ang ginagawa at gagawin. Hahaha.
Unang una, panloloko ito kasi malinaw ang plano ng IATF mula sa information dissemination, policies sa pag-enforce ng physical distancing, protection sa droplets, nariyan din ang transportation policies, testing para sa Covid, hospitalization, at kung ano ano pa.
Pangalawa, ang basehan lang talaga nila sa sinasabing walang plano ay ang number of infections. Panloloko ulit ito dahil social engineering ang pinakamabisang solusyon dyan at hindi nagagawa sa loob ng ilang buwan ang social engineering.
Bakit social engineering ang solusyon? Kasi kaya patuloy ang positibong kaso ng Covid ay dahil HIRAP ANG PILIPINONG TANGGAPIN ANG NEW NORMAL.
Binabale wala ng tao ang new normal. Kaya sila nakakapulot ng virus. Ayaw magsuot o hindi tama ang pagsusuot ng mask. Hindi nagphysical distancing. Ayaw tumigil sa socialization (party/celebration, social gatherings atbp).
Social engineering ang sagot dyan kaso hindi yan kaya sa loob ng ilang buwan.
Pangatlo, wala naman pino propose na alternative plans ang kritiko. So di mo alam kung yung plano bang hinahanap nila ay totoong meron o imbento lang. Kasi naghahanap sila ng bagong plano pero di nila alam kung ano hitsura ng bagong plano. Alam lang nila na kailangan palitan ang presidente. Pero wala naman garantiya na may bagong plano nga ang papalit, kung sakali.
Inuulit ulit lang nila yung bagong plano para maitaas yung manok nila sa pagkapangulo. Samakatuwid, ambisyon ang puno't dulo nito.
Pang-apat, kalokohan ang konsepto ng planuhing PUKSAIN ang isang force of nature na kagaya ng virus. Hindi napupuksa ang force of nature.
Kagaya ng nasabi ko na, lipunan ang nag-aadjust dahil hindi kayang puksain ang force of nature.
Problema lang ayaw mag-adjust sa new normal ng marami nating kababayan.
Panglima, usapin din ito ng HINDI KAYA ng marami sa mga kababayan natin mag-adjust sa new normal. Hindi nila kaya ang new normal. Hindi lang basta ayaw nila.
Patay ang maraming bahagi ng dating kalakaran sa new normal. Kabilang dito ang dating INFORMAL o UNDERGROUND ECONOMY na ikinabubuhay ng maraming kapos palad.
Paano sila lilipat sa new normal? Pinapatay ng new normal ang hanapbuhay nila.
Ulit, PAANO MO PALILIPATIN SA NEW NORMAL ANG MGA TAONG WALANG KABUHAYAN DOON?
Iyan ang dahilan kaya nakikipagsapalaran sila sa virus.
Pang-anim, kulang ang resources ng pamahalaan para palipatin sa new normal ang lahat.
Kaya marami pa rin ang nagmamatigas sa OLD NORMAL kaya rumaragasa ang virus.
Bakit tagumpay ang Korea sa Covid? Kasi maraming aspekto ng lipunang Koreano ay nakalipat na sa new normal bago pa man maging new normal ito. Lalo na pagdating sa hanapbuhay. Wired na wired ang mga Koreano.
Plus, madali ang social engineering sa Korea at Vietnam kasi masunurin sa pamahalaan ang kultura nila.
Iba sa Pilipinas. Mas sanay actually ang kulturang Pilipino na kumontra sa pamahalaan kesa sumunod dito. Kahit yung mga supporters pa ng pamahalaan. Hahaha.
Ano ang punto sa wakas?
MALISYOSO ANG PAGSASABI NG KONTRA GOBYERNO NA NANGHIHINGI SILA NG PLANO.
Hindi sila nanghihingi ng plano.
Bahagi lang ito ng isang stratehiya para pahinain ang administrasyon habang nakapokus talaga sila sa 2022.
Source: Fresh News Pinoy
0 Comments