Ipinakita ng aktres-singer-host na si Toni Gonzaga kung paano siya nagshushoot sa bahay para sa kanyang show na “I Feel U”

Ang aktres na si Toni Gonzaga ay nakilala bilang isang award winning host at singer at tumanggap ng mga nominations at recognition sa entertainment industry mula sa kanyang mga ginawang kanta at pelikula.

Muling mapapanuod si Toni sa kanyang bagong show na ‘I feel U’ na nagsimulang umere mula sa Facebook ng ABS-CBN Films, TFC Online, ABS-CBN Music at One Music PH.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano Instagram

Ang naturang show na ginagawa ni Toni ay nakatuon sa mga inspiring stories ng mga piling celebrity artist at ng mga frontliner.

Sa isang virtual press conference, sinabi ni Toni na hindi siya nag-atubiling tanggapin ang inalok sa kanya na trabaho lalo pa’t nagustuhan naman niya ang konsepto ng programa.

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

“Sabi ko parang maganda nga yung may ganyang tayong programa para hindi naman puro depressing na mga balita ang napapanood natin.”

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

“Parang maganda naman na let’s look at the other side na positive pa rin. May magaganda pa ring nangyayari kahit na may pinagdadaanang pagsubok ang ating bansa.”

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

Ngayong siya ay nagwowork from home para sa kanyang pagiging isang online host ay ipinakita niya ang behind-the-scene ng kanilang online taping para sa show na I feel U.

Unang ibinahagi ni Toni ang kanyang workplace na kung saan ay kanya ding makeup/dressing room.

Ipinakita din ni Toni ang kanyang paghahanda sa naturang online show mula sa paglalagay ng kanyang sariling makeup, pagsusuot ng black dress at paglalagay ng accessories.

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

Bahagi ng kanyang workplace ay makikita ang mga lightings na sinet-up ng aktres na isa sa kanyang mga natutunan upang mapaayos at maging maganda ang kalalabasan niya sa show.

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

Sa kalagitnaan ng pagta-trabaho ni Toni ay makikita ang pagiging sweet ni Direk Paul Soriano ng bigyan nya ang aktres ng coffee na siya mismo ang nagtimpla.

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

Ayon kay Toni ang kape na ginagawa ni Paul ay ang best coffee na na-discover niya habang naka-qu@r@ntine.

“Isa yan sa na-discover ko nung qu@r@ntine na masarap gumawa ng coffee si Paul. He make the best coffee si Paul.”

Credit: Toni Gonzaga-Soriano YouTube

Sa pagtatapos ng kanyang trabaho ay masayang ibinahagi ni Toni ang kanyang mga naging experience sa trabaho.

“Overall, I love the experience. Not everything is done for profit sometimes you have to do something because you do it with a purpose and this is our way of showing our love to you.”

The post Ipinakita ng aktres-singer-host na si Toni Gonzaga kung paano siya nagshushoot sa bahay para sa kanyang show na “I Feel U” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments