Kilalanin ang nakabibighaning anak ni Jeric Raval na pumasok na rin sa mundo ng showbiz

Isa sa mga hinahangaang aktor sa showbiz noong dekada ’90 ay ang action star na si Jeric Raval. Bukod kasi sa kaniyang mga ‘di malilimutang action moves sa mga pelikulang pinagbibidahan, tumatak din sa puso ng Pinoy ang aktor dahil sa taglay nitong kagwapuhan.

Credit: AJ Raval Instagram

Kahit na hindi na nakikita sa mga pelikula ang aktor ay sikat pa rin ito lalo na nang lumabas sa telebisyon ang kaniyang anak na si AJ Raval na bunga ng kaniyang relasyon noon kay Alyssa Alvarez.

Credit: AJ Raval Instagram

Kamakailan nga ay nagtrending sa social media ang anak ni Jeric Raval na si AJ dahil sa Instagram video na ibinahagi nito kung saan makikitang sinasaway ito ng kaniyang ama dahil sa nakakaakit nitong pagsayaw.

Credit: AJ Raval Instagram

Sa caption ng Instagram post ni AJ ay ibinahagi niya ang sinabi ng kaniyang tatay.

“Tatay erick: “Ang bantot naman ng sayaw mo nak baka makita ni idol ben tulfo yan baka sabihin wala kang tatay,” paglalahad ni AJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss) on

Kung bibisitahin ang Instagram account ni AJ ay hindi talaga maipagkakaila na manang-mana ito sa kaniyang ama lalo na sa pisikal na anyo at pagiging talented nito. Marami ang nakapansin na girl-version ni Jeric ang anak. Mahusay din ito sa pagsayaw at pagkanta.

Credit: AJ Raval Instagram

Matatandaang noong 2019 nang inagaw ni AJ ang atensiyon ng netizens nang sumali ito sa segment program ng “It’s Showtime” na KapareWHO kung saan maraming nakapansin sa artitahing dating ni AJ. Ikwenento rin ni AJ sa programa na isang lalaki lang ang nagpapabilib sa kaniya at ‘yon ay ang kaniyang astiging tatay na si Jeric.

 

View this post on Instagram

 

Hahahaha ang cute ng bebi ko 😍 Ctto

A post shared by Aj Raval (@ajravsss) on

Ang pagsali ni AJ sa programa ay umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens.

Credit: AJ Raval Instagram

“Wow She’s pretty”

“She’s like a Barbie Doll”

Credit: AJ Raval Instagram

“D maipagkakaila na anak sya ne jeric raval…girl version”

Credit: AJ Raval Instagram

Pagkatapos ng kaniyang pagsali sa KapareWHO ay naging challenger din si AJ sa Kapamilya show na “Minute To Win It” kasama ang kaniyang tatay. Napansin ng netizens ang pagiging malapit ni AJ sa kaniyang tatay para kasing barkada lang ang turing nila sa isa’t isa.

Kagaya ng ama ay mahilig din sa aksiyon ang anak. Kinahihiligan ni AJ ang pagbo-boxing, Muay Thai at expert din ito sa paglalaro ng mobile games.

Credit: AJ Raval Instagram

Kasalukuyan ding isang talent si AJ sa ilalim ng Viva Artists Agency (VAA).

The post Kilalanin ang nakabibighaning anak ni Jeric Raval na pumasok na rin sa mundo ng showbiz appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments