Magkaibigang John Lloyd Cruz at Wilma Doesnt, nagkasama muli pagkatapos ng 21 taon na hindi pagkikita nang magbakasyon sa Batangas

Pagkatapos ng 21 taong hindi pagkikita ng modelo at aktres na si Wilma Doesnt at ang aktor na si John Lloyd Cruz ay nagkasama muli ang dalawa sa isang beach resort sa Nasugbu, Batangas.

Credit: Wilma Dassent Facebook        

Noong August 16 nang magpost sa kaniyang Faceboook account si Wilma ng mga larawan na kasama ang pamilya niya at ang aktor na si John Lloyd. Bukod dito ay kasama din nila ang direktor at komedyanteng si Earl Ignacio.

Marami ang hindi nakakaalam na matalik na magkaibigan ang dalawa.

Credit: Wilma Dassent Facebook

Sa katunayan, makikita sa mga larawan na ibinahagi ng aktres ang masayang aktor kasama ang mga anak at asawa ni Wilma.

Ayon sa Facebook post ng aktres, “Ung kaibigan mo na huli mong nakita nung 16yrs old pa lang sya.tpos nung nagkita kayo eto ang usapan ninyo:

Credit: Wilma Dassent Facebook

Me: aba toy buhay ka pa!!!!(gulat nabigla buti hindi tumaas ang dugo at na stroke sa kaligayahan)!!

Llyodie:ikaw nga si ate wilma

Me:tul! ka na toy

Credit: Wilma Dassent Facebook

Lloydie:opo ate”

Ikinuwento rin ni Wilma sa post na si John Lloyd mismo ang nag-imbita sa kaniyang pamilya na pumunta sa beach.

Credit: Wilma Dassent Facebook

“Lloydie:sama ka sa beach sama mo mga kids mo?!?!!

Me:lets gow sama kami(tatanggi ka ba eh ang gwapo ng kaharap mo)

Credit: Wilma Dassent Facebook

Sa taranta nakakimutang magdala ng pang kilay!!(ang ganda)!!!

Ayun na…dun na nagsimula ang maraming maraming kwentuhan…(dont worry di nmin pinagusapan mga girls)…Sa huli isa lang ang nasabi ko

Credit: Wilma Dassent Facebook

Me:toy always remember you cannot put a good man down…gawa tayo pelikula!!!

Llyodie:ingat…waaaaa”

Credit: Wilma Dassent Facebook

Kinunan ang mga larawan na ibinahagi ni Wilma sa Tali Beach na isang pribadong beach resort sa Nasugbu, Batangas.

Dahil mailap sa media ngayon ang aktor ay maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang saya nang makitang muli si John Lloyd. Narito ang ilang komento ng netizens.

Credit: Wilma Dassent Facebook

“Te Wilma, waiting na kami sa pelikulang gagawin ninyo pagka okay na ang lahat hehe, keep safe and God bless 😇

“True friendship indeed in this p@ndemic days”

Credit: Wilma Dassent Facebook

“Pwede bang sumama nxt time hehe! Kilig ako”

Samantala, marami ang nasasabik na makita ulit si John Lloyd sa pelikula. Matatandaang huling proyekto ni John Lloyd ay ang experimental film na i-dinerek ni Antoinette Jadaone kasama ang kaniyang longtime onscreen partner na si Bea Alonzo.

The post Magkaibigang John Lloyd Cruz at Wilma Doesnt, nagkasama muli pagkatapos ng 21 taon na hindi pagkikita nang magbakasyon sa Batangas appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments