Yam Concepcion, sinalubong ng mahigpit na yakap at matamis na halik ang boyfriend na umuwi ng Pilipinas sa gitna ng p@ndemya

Mahirap malayo sa taong ating minamahal lalo na sa gitna ng isang p@ndemya. Kaya naman nang umuwi ang longtime boyfriend ng Love Thy Woman actress na si Yam Concepcion ay sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap at matatamis na halik.

Credit: Yam Concepcion YouTube         

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Yam sa kaniyang YouTube vlog ang pag-uwi at pagkikita nila ng kaniyang longtime non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuujieng.

Credit: Yam Concepcion Instagram

Sa unang bahagi ng vlog ay ipinakita ni Miguel ang lahat ng prosesong kaniyang pinagdaanan para lang makauwi ng ligtas sa Pilipinas at makita ang kaniyang girlfriend.

Credit: Yam Concepcion Instagram

Noong July 18 nang umalis sa New York si Miguel at July 19 nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nito sa NAIA.

Credit: Yam Concepcion YouTube

Bago pa makarating si Miguel sa kaniyang hotel kung saan siya pansamantalang mananatili ay dumaan muna siya sa kaniyang unang sw@b test.

Nang nasa hotel na ay dumaan ulit sa pangalawang sw@b test si Miguel.

Credit: Yam Concepcion Instagram

Sa 2nd sw@b testing ni Miguel ay nakipag-video call ito kay Yam. Hindi naman nakayanan ni Yam na tignan si Miguel habang ipinapasok sa kaniya ng medical fr0ntliner ang isang 6-inch na haba na sw@b stick.

Credit: Yam Concepcion YouTube

Noong July 21 nang lumabas ang resulta ng sw@b test ni Miguel na parehong negatibo ang resulta.

Parehong nasasabik ang aktres at nobyo nito sa muli nilang pagkikita. Ayon pa kay Yam ay magiging “intense and sweet reunion” ang muling pagkikita nila ni Miguel.

Dahil negative ang resulta ng test ay nakauwi agad si Miguel sa tinitirhan ni Yam pagkatapos ng dalawang araw.

Credit: Yam Concepcion YouTube

Sa vlog ay mapapansin ang pagkasabik ng dalawa sa isa’t isa. Isang matinding yakap at matamis na halik naman ang ibinigay ni Yam kay Miguel nang makita niya ito.

Credit: Yam Concepcion YouTube

5 years nang nasa long distance relationship sila Yam at Miguel na naka-base sa San Francisco bilang isang Business Initiatives Consultant ng Wells Fargo.

Credit: Yam Concepcion YouTube

Kagaya ng karamihan na nasa LDR ay maraming beses din na inamin ni Yam sa kaniyang mga interview na mahirap talaga ang LDR. Sa katunayan, nabigla pa nga ang aktres kung paano nila napapanatili ang kanilang relasyon kahit ilang milya ang layo nila sa isa’t isa.

Credit: Yam Concepcion Instagram

“Hindi siya madali pero I’m surprised kung bakit sa aming dalawa, it works out,” ani ni Yam sa kaniyang panayam sa Kapamilya late night show na “Tonight With Boy Abunda”.

Credit: Yam Concepcion Instagram

Samantala, bukod sa kaniyang YouTube channel ay patuloy pa rin na mapapanood si Yam bilang Dana Wong sa Kapamilya teleserye na “Love Thy Woman” kasama sina Kim Chiu at Xian Lim.

The post Yam Concepcion, sinalubong ng mahigpit na yakap at matamis na halik ang boyfriend na umuwi ng Pilipinas sa gitna ng p@ndemya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments