Magkaibigang Gabbi Garcia at Janine Teñoso, may espesyal na regalo para sa kanilang mga tagahanga

Nakilala ang aktres na si Gabbi Garcia at singer na si Janine Teñoso, mula sa ipinamalas nilang kahusayan sa pagkanta na talaga namang hinangaan ng publiko.

Credit: Gabbi Garcia Instagram    

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong nasa high school pa lamang silang dalawa. Sa Instagram account ni Gabbi ay ibinahagi nito ang kanyang pagsuporta sa naganap na concert ng best friend na si Janine at doon ay sinabi din niya na mag highschool best friend silang dalawa.

“Sooo proud of @janinetenoso. trivia!!! We were HS bestfriends ❤ so happy I get to see her in the industry as well!! Watch out for this girl!!!”

Credit: idioteez609 YouTube

Walong taon na ang nakakaraan simula nang mag-viral ang video ni Gabby at Janine na kung saan ay ginawan nila ng song cover ang kantang California King Bed.

Ang naturang video ay in-upload ni @idioteez609 noong February 29, 2012 at umabot na nga ito ngayon sa 1.7 millions views sa YouTube. Dahil dito ay naisipan ni Gabbi at Janine na awitin muli ang nasabing kanta.

Credit: Janine Tenoso Instagram

“Last week, our cover from 8 years ago when we were still in 1st year HS (yes, we were classmates) blew up on Youtube lol 🙃😂 So, here’s the remake!! It’s up on @janinetenoso’s youtube channel! Enjoy ❤ • Proud of you always, Ten! Love you ✨

Upang tuparin ang request ng kanilang mga supporters ay inupload nila Janine at Gabbi ang remake nila ng awitin ssa YouTube channel ni Janine.

Credit: Gabbi Garcia Instagram

“our california king bed cover when we were in highschool suddenly went viral on yt and a lot of people requested a remake. @gabbi and i heard y’all so yes our remake is out now on my yt channel! 🤍 so funny how fast time flies but im glad to witness the growth of the people im surrounded with. thank u gab for agreeing to do this with me. always blessed by your life ✨

Credit: Janine Tenoso YouTube

Makikita na talagang hanggang ngayon ay marami pa din ang humanga sa kanilang duet na syang naging #39 trending naman sa YouTube.

Credit: Gabbi Garcia Instagram

Nagsilbing inspirasyon para sa maraming netizen nang patunayan ni Janine at Gabbi na hindi imposibleng matupad ang mga pinangarap lang nilang dalawa noon.

“Ang layo na ng narating ng magkaibigan na ito… ❤❤❤

Credit: Janine Tenoso Instagram

“8 years ago they just did a simple cover of this song but now they’re both successful in the music industry.”

“Imagine, they only did a simple cover not knowing that years later, they’ll be one of the greatest artist in the industry ❤

The post Magkaibigang Gabbi Garcia at Janine Teñoso, may espesyal na regalo para sa kanilang mga tagahanga appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments