I-nireveal na ni Assunta de Rossi ang gender ng kanilang unang baby ni Jules Ledesma

Dalawang linggo bago tumungtong sa 3rd Trimester ng kaniyang pagbubuntis, hindi na pinatagal ng soon-to-be mother na si Assunta de Rossi ang pagrereveal ng gender ng kaniyang baby.

Credit: Sammy Whammy Instagram           

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account ay nagpost ng sonogram picture si Assunta ng kaniyang magiging 1st baby. Ito ang kaniyang unang anak sa loob ng 18 taon na pagiging kasal kay Jules Ledesma.

Credit: Sammy Whammy Instagram

Ginamit ni Assunta ang mga Italian words na “Coccolina” o “the cuddly one” at “Fiore” o “Flower” bilang tawag sa sanggol sa kaniyang sinapupunan. Gumamit rin siya ng salitang “her” na nangangahulugan babae ang kaniyang magiging unang baby.

Credit: Sammy Whammy Instagram

Sinabi ni Assunta sa kaniyang IG post na, “I couldn’t be more grateful that everything’s good and normal”.

Credit: Sammy Whammy Instagram

Hinihiling din ng soon-to-be mom na sana manatiling maayos ang lahat sa kaniyang pagbubuntis.

Credit: Sammy Whammy Instagram

Para sa mag-asawang Ledesma, ang kanilang unang anak ay itinuturing nilang kanilang “miracle baby”. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan, 18 taong hinintay nina Assunta at Jules ang baby na ito. Kagaya ng ibang mag-asawa, lubos nilang itinuturing na isang biyaya mula sa Diy0s ang kanilang anak.

Credit: Sammy Whammy Instagram

Sa isa pang IG post ni Assunta ay inamin niyang kinakabahan siya na baka wala nang pagkakataon para sa isang katulad niyang 37 years old para magka-anak. Ngunit laking mangha ni Assunta dahil binigyan siya ng hindi inaasahang biyaya na galing sa Diy0s. Dagdag pa niya, hindi niya inaasahan ang pagbubuntis lalo pa’t sa natural na paraan siya nabuntis.

Credit: Sammy Whammy Instagram

“I was becoming anxious as I felt there would be no more time for a 37-year-old like me. Little did I know, I was already pregnant even before my birthday and I had no idea! Not only did we conceive naturally, but it was totally unplanned. Isn’t it amazing that after all these years life has the capacity to surprise you?”

Credit: Sammy Whammy Instagram

Masaya ding kwinento ni Assunta ang pagkikita nila ng kapatid na si Alessandra at sinabing napakalikot ng kanyang baby sa sinapupunan habang nagchichikahan sila ni Alessandra.

Credit: Sammy Whammy Instagram

“Maraming salamat sa mahigit 2 oras na chikahan. Yung baby, ang likot-likot! Sabi siguro, “Sino ‘tong kuda nang kuda?”. 🤣🤣🤣 @msderossi ❤🥰❤

The post I-nireveal na ni Assunta de Rossi ang gender ng kanilang unang baby ni Jules Ledesma appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments