“Certified Hardinera” na si Neri Naig, pinabilib ang asawang si Chito Miranda sa kanyang galing sa pagtatanim at sa malaki nitong garden

Hindi maiwasan ni Chinito Miranda na ipakita sa social media kung kagaano siya ka-proud sa kaniyang misis na si Neri Naig.

Credit: Chito Miranda Facebook        

Kapansin-pansin sa mga social media post ni Chito kung gaano siya ka-proud sa kaniyang misis lalo na sa pag-aalaga ng malaking garden nito.

Credit: Chito Miranda Facebook

Sa kaniyang Facebook post ay nagshare siya ng video ng garden ni Neri na may caption na, “Welcome to Neri’s Garden”.

Hindi rin mapigilan ni Chito na maging proud kay Neri sa Instagram post nito kung saan nagshare si Chito sa kaniyang IG ng larawan ni Neri kasama ang mga harvest nitong mga sili. Sa caption ng IG post ay sinabi ni Chito na, “Yung sa sobrang galing mo mag-tanim, nakapag-ani ka sa ng sili mula sa mga bulaklak. Ang galing talaga ng hardinera namin…ang ganda pa. Napaka-swerte naman ng boyfriend nitong babae na ‘to.”

Credit: Chito Miranda Instagram

Sa mga YouTube video din ni Chito ay ibinahagi niya kung gaano ka-hands-on si Neri sa pagtatanim sa malaking garden nito sa tabi ng bahay nila.

Credit: Chito Miranda Facebook

Isa ang paggagarden sa pinagkakaabalahan ng mag-asawa habang naka-stay at home lang ngayong may p@ndemya. Sa katunayan halos lahat ng YouTube videos ni Chito simula nang mag-qu@ratine ay tungkol sa kanilang “farm to table” recipes.

Credit: Chito Miranda Instagram

Sa mga cooking vlog episode, itinatampok niya mismo ang mga gulay at prutas na nakukuha niya sa malaking garden ni Neri.

Ayon sa interview kay Neri sa talk show na Magandang Buhay ay ang paggagarden ay ginagawa nilang bonding time na kanyang pamilya.

Credit: Neri Miranda Instagram

Ikwinento rin ni Neri sa isang IG post nito na bata pa lang ay mahilig na siyang magtanim kaya pangarap niyang magkaroon ng sariling farm.

Para kay Neri napaka-convenient ang pagkakaroon ng sariling farm dahil may mapagkukunan sila ng lahat ng kakailanganin nilang sangkap sa pagluluto.

Credit: Neri Miranda Instagram

Bukod sa kaniyang pagkahilig sa gardening, kilala rin ang asawa ni Chito bilang wais at masipag na negosyante.

Sa Instagram account ng bokalista, nagshare ito ng isang larawan ng asawa, kung saan kahit gabi na ay nagtatrabaho pa rin ito.

Credit: Neri Miranda Instagram

Pag-aamin ni Chito, tanging sa paggagardening lang at pag-aalaga sa anak nilang si Miggy nakakapag-relax ang kaniyang asawa.

Credit: Chito Miranda Instagram

Kwento pa ni Chito, “I took this picture of Neri bago matulog, at gigising na siya ulit by 5 or 6 am, depende on how late she sleeps. Wala talaga siyang “off” button…Ang pinaka-pahinga lang nya ay ang gardening, at ang pag-aalaga kay Miggy…at kahit nakakapagod din yun, dun talaga siya nakakapag-relax.”

Credit: Neri Miranda Instagram

Dahil dito hindi lang si Chito ang nakapagsabi na swerte ito sa kaniyang misis kundi pati na ang mga netizen.

The post “Certified Hardinera” na si Neri Naig, pinabilib ang asawang si Chito Miranda sa kanyang galing sa pagtatanim at sa malaki nitong garden appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments