Iza Calzado, inihayag daw noon sa sarili na makikilala niya ang future husband sa ilalim ng isang puno at nagkatotoo nga iyon

Marami ang kinilig sa Instagram post ng aktres na si Iza Calzado matapos nitong ikuwento kung paano niya nakilala ang kaniyang kabiyak sa buhay na isang businessman at founder ng Booky.ph na si Ben Wintle.

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram        

Kamakailan lang sa kaniyang Instagram ay ibinahagi ng Kapamilya aktres ang isang larawan kung saan makikitang napaka-sweet ang dalawa sa isang swimming pool sa The Farm At San Benito sa Lipa City, Batangas.

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Ikinuwento ng aktres na 9 years ago ay ipinahayag niya sa sarili na makikita niya ang kaniyang mapapangasawa sa isang puno ng mangga sa naturang 5-star wellness resort.

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Aniya sa caption ng post, “I manifested meeting the man who would be my life partner at @thefarmatsanbenito by the Mango Tree.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iza Calzado Wintle (@missizacalzado) on

Dagdag pa niya, “It was the first week of August 2011, just before my birthday. 2 months late, I met you. 9 years later, this is still our favorite place and you’re still my favorite human.”

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Mensahe pa ni Iza kay Ben, “I value the hard work and the time we put into building a strong foundation to make our relationship withstand the challenges that life may bring. Rooted and grounded, @benmwintle, you are my beautiful and strong tree.”

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Samantala, sa isa pang post ay ibinahagi ni Iza ang pagdiriwang niya ng kaniya ika-38 taong kaarawan nitong August 12.

Ilang buwan matapos siyang mag-negatibo sa c0vid at mag-donate ng kaniyang blood pl@sma para makatulong sa paggamot ng mga pasyenteng tinamaan din ng v!rus ay nagpapasalamat si Iza na nabigyan pa siya ng panibagong buhay.

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Para sa aktres maituturing niyang pinaka-makabuluhang kaarawan ang kaniyang kaarawan ngayong taon dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang laban sa s@kit ay binigyan siya nito ng lubos na pag-unawa na ang bawat araw at hininga natin ay isang biyaya galing sa Panginoon.

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Sa post ay inilahad ni Iza, “The most meaningful birthday yet. As I bathe in God’s love and light, I am filled with gratitude to be able to continue this beautiful journey called life — with a deeper understanding that every waking moment and every breath is a blessing.”

Credit:Iza Calzado Wintle Instagram

Nagpasalamat din si Iza sa lahat ng nagbigay ng kanilang mensahe sa kaniyang kaarawan. Aniya, “I draw strength and energy from each and everyone of you. Maraming Salamat!”

The post Iza Calzado, inihayag daw noon sa sarili na makikilala niya ang future husband sa ilalim ng isang puno at nagkatotoo nga iyon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments