Natawa ang mga netizen sa post ni Melai Cantiveros na nagpakita kung anong nangyari habang kumakain siya ng mangga

Umani ng maraming tawa mula sa netizens at kapwa artista ni Kapamilya actress at TV host Melai Cantiveros ang larawang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram kamakailan lang.

Credit: Melai Cantiveros Instagram         

Makikita kasi sa larawan ang marka ng dalawang harap na ngipin ni Melai sa kinain niyang mangga. Ginawang katatawanan ni Melai ang marka dahil makikita ang layo ng paggitan ng kanyang dalawang harapang ngipin.

Ayon pa sa caption ng Instagram post, “Gap is real 😵😵😵#quarantinerealizations  #palayucyangpalayu”

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Pabiro pang sinabi ni Melai na sana hindi nalang daw siya kumain ng mangga.

Natawa naman ang mga kasamahan sa showbiz ni Melai at nagbigay ng kanilang mga komento sa kanyang post.

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Komento ni beauty queen-actress Bianca Manalo, “Naalala ko tuloy yung sinulid na may calamsi. Natalo tuloy tayo sa happy ka-family!!”

Sinabi naman ng kapwa Bisaya ni Melai na si Kim Chiu, “Katawaa nako ani oi!!! Hahhhhahaha!!” (Grabe ang tawa ko dito)

Credit: Melai Cantiveros Instagram

“Naimagine ko agad yiung unang kagat haha Havey!”, sinabi naman ng isang follower ni Melai.

Matatandaang marami ring pagkakataon na na-ikuwento ni Melai na malaking insecurity niya sa buhay ay ang puwang sa pagitan ng kaniyang dalawang ngipin.

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Ikinuwento ni Melai sa isang panayam na dahil sa kakulangan ng pera noon ay hindi na niya naipaayos ang kaniyang ngipin.

Pagkukuwento ni Melai, “Kasi dati ‘yung braces, pag high school, ‘pag may braces ka mayaman ka ‘di ba? ‘Sosyal, may braces siya…Pero hindi ko nakuha kasi mahal nga ‘yon sabi ng mama ko.”

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Dagdag niya, “Kami, pinalaki kami ng mom ko na kung ano ang ibigay, ‘yun lang ang kaya.”

Ngunit kahit ngayon na “afford” na ni Melai ang pagpapaayos ng ngipin ay hindi pa rin niya ito ipinapaayos at ito ay isang bagay na parating itinatanong sa kaniya sa social media.

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Sa isang episode ng Magandang Buhay ay sinagot ni Melai ang tanong sa kaniya ng netizens. Aniya sa naturang episode, proud at kuntento na siya sa mga ngipin niya at ito daw ang isa sa mga tatak niya bilang isang Melai Cantiveros na minahal at tinanggap ng kaniyang asawa at mga anak pati na rin ng kaniyang fans.

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Aniya, “ok naman at nakukuntento naman ako sa beautiful ko…ito ang appeal ko… ‘yong mga ngiwang ko…dito ako minahal ng asawa ko, ng mga anak ko.”

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Taong 2009 ay hinirang na winner si Melai sa sikat na Kapamilya reality show Pinoy Big Brother Double Up edition kung saan ay nag-iwan siya ng marka sa mga manunuod dahil sa kaniyang likas na pagiging masayahin at komedyante.

Credit: Melai Cantiveros Instagram

Samantala, kasalukuyan pa ring mapapanuod online ang morning show ni Melai na Magandang Buhay kasama sina Momshie Karla Estrada at Jolina Magdangal. Busy din si Melai sa kanilang Melason Official YouTube channel na may higit 900K subscribers na.

The post Natawa ang mga netizen sa post ni Melai Cantiveros na nagpakita kung anong nangyari habang kumakain siya ng mangga appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments